Esports Team Philippines sa Esports World Cup.

Team Liquid PH, Onic kumpiyansa sa Esports World Cup

Robert Andaya Jun 13, 2025
43 Views

SASABAK ang apat na teams ng Pilipinas — dalawa sa men at dalawa sa women — sa pinaka-aabangang Esports World Cup: Mobile Legends: Bang Bang sa Riyadh, Saudi Arabia simula July 10.

Ang Team Liquid PH, na namayani sa MPL Philippines Season 15, at Onic PH, na tumapos bilang runner-up, ay magtatangka na putukin ang two-year drought sa Mid-Season Cup (MSC).

Sa women’s division, ang Natus Vincere PH at TLPH’s, ay umaasam na mapanatili ang korona sa kamay ng mga Pilipino sa MLBB Women’s Invitational (MWI)

“Our team is hungry to redeem the title in the MSC while in the MWI, the goal is to retain the title,” pahayag ni Lee Viloria, Moonton head of Business Development and Partnerships for Philippine Esports sa nakalipas na Philippine Sportswriters Association Forum sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate.

Huling nag kampeon ang Pilipinas sa MSC nung 2022.

Ngayong taon, masusubok muli ang kakayahan ng mga miyembro ng Team Liquid at Onic PH laban sa 14 iba pang teams, kabilang ang powerhouse teams Indonesia at Malaysia.

“Sa upcoming EWC, sisiguraduhin namin na sa aming dalawa ang mananalo. Nag-prepare po talaga para makuha po ulit ‘yung MSC since ilang taon na po na hindi nakukuha ng Pinas,” paliwanag ni Onic PH main man Duane “Kelra” Pillas.

Dumalo din sa nasabing sports forum na itinataguyod ng San Miguel Corporation, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, Smart/ PLDT, and the countrys’ 24/7 sports app ArenaPlus ang kapwa gold winner Kiel “Oheb” Soriano.

“Ayaw na po namin mag patalo kasi gusto po talaga namin na mauwi ng PH yung kampeonato,” sabi ni Soriano.

Ang women’s teams ng Navi PH at TLPH ay umaasang maging back-to-back champions matapos madaig ang  Team Vitality ng Indonesia nung nakalipas na taon.

Mangunguna sina NAVI PH EXP laner Gwyeth “Ayanami” Diagon at TLPH jungler Trinity “Ramici” Ramos.

Ang MSC event ay nakatakda sa July 10 hanggang Aug. 2, na may total prize pool na $3 million habang anh MWI side ay gaganapin sa July 15-20, na may nakatayang $500,000.