Calendar
Temporary shelter para sa OFWs sa Israel hiniling
NANAWAGAN si OFW Party List Cong. Marissa “Del Mar” P. Magsino sa mga “concerned agencies” tulad ng Department of Migrant Workers (DMW), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department Foreign Affairs (DFA) para magkaroon ng temporary shelter ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naiipit ng kasalukuyang digmaan sa Israel.
Sinabi ni Magsino na layunin ng kaniyang panawagan na maibsan ang kasalukuyang problema na kinakaharap ng mga OFWs sa Isarel at para mabawasan din umano ang gastos ng gobyerno sa mga “commercial accommodations” kasabay narin ng pagtitiyak sa kanilang seguridad at kaligtasan.
Isinulong din ni Magsino ang House Bill No. 9388 sa Kamara de Representantes na naglalayong amiyendahan ang Republic Act. No. 8042 o ang “Migrant Workers and Overseas Filipinos Act” para mas mapalawig ang purpose para sa utilization ng Emergence Repatriation Fund (ERF) para matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga OFWs.
Ipinaliwanag ni Magsino na sa ilalim ng kasalukuyang batas. Ang ERF na pangangasiwaan ng OWWA Administrator ay naglalayong matulungan ang mga OFWs o Migrant Workers sa panahon na magkaroon ng kaguluhan o digmaan sa bansang pinagta-trabahuhan nila.
Binigyang diin ng OFW Party List Lady solon na ang pangunahing issue sa sistema ng repatriation ng mga OFWs ay ang kawalan ng maayos o suitable temporary shelters para sa kanila. Kung saan, ilan sa kanila ang nakakaramdam ng matinding pagkabalisa at sobrang pagkahapo.
“The existing shelters in host countries often referred to as Bahay Kalinga are reportedly often congested resulting in unsafe and inhumane living conditions. In some instances, the government is ever forced to rent facilities for the purpose as reported by the DMW workers,” sabi ni Magsino.