Calendar
Teodoro nagbida para sa Mindoro
UMISKOR ang dating Jose Rizal University standout na Tey Teodoro ng 18 points, kabilang ang back-to-back three-point shots sa huling bahagi ng laro, upang pamunuan ang Mindoro Tamaraws sa kanilang come-from-behind 80-76 panalo sa overtime sa Abra Weavers sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Batangas City Coliseum.
Nakatuwang ni Teodoro sina Ken Bono, Andres Desiderio,Lester Reyes at Kint Ariar para sa Tamaraws, na naghabol mula 54-64 kalamangan ng Weavers para dalhin ang laro sa overtime at maungusan ang mga kalaban, 8-4, sa extra period.
Si Bono ay nanguna sa kanyang 18 points, habang si Desiderio, na nahirang bilang “Best Player of the Game” ay may 16 points, 15 rebounds at three assists.
Gayundin, si Teodoro ay nag-ambag ng 12 points, habang sina Reyes at Ariar ay may tig 10 points. Si Reyes ay may six rebounds, three assists and two blocks at si Ariar ay may dagdag na eight rebounds, three assists at two steals.
Ang Abra, na pinapatnubayan na ngayon ni veteran coach Yong Garcia, ay nakakuha ng 26 points, 14 rebounds, four steals and three assists mula kay John Lloyd Clemente, at 13 points, four rebounds and three assists mula kay Anthony Bringas sa kanilang ikazapat na talo sa pitong laro.
Nagdagdag din si Wendelino Comboy ng 10 points, five assists, four rebounds at three steals para sa Abra.
The scores:
Mindoro (80) – Bono 18, Desiderio 16, Teodoro 12, Reyes 10, Ariar 10, Estrella 9, Caspe 4, Aquino 1, Lopez 0, Olivares 0, Vaygan 0, Huerto 0, Pableo 0, Rios 0, Pena 0.
Abra (76) — Clemente 26, Bringas 13, Comboy 10, Magat 7, Canete 6, Faundo 5, Caperal 3, Chavez 2, Tolentino 2, Sumang 2, Montuano 0, Lee 0, Gonzales 0, Fabro 0, Pasturan 0.
Quarterscores: – 15-24, 38-39, 54-64, 72-72, 80-76.