MPBL Caloocan-Marikina game sa MPBL.

Caloocan hindi padadaig

Robert Andaya May 18, 2024
146 Views

HINDI padadaig ang Caloocan Batang Kankaloo.

Itinala ng Caloican ang 64-38 panalo laban sa Marikina Shoemasters sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Olivarez College gym sa Paranaque City.

Nagpasimuno sina Paul Hendrix Casin at Jeramer Cabanag sa mahusay na paglalaro ng Batang Kankaloo mula simula hanggang matapos para sa kanilang ika-apat na panalo kontra isang talo sa elimination round ng 29-team regional tournament.

Si Casin ay umiskor ng 13 points habang si Cabanag ay may 9 points para sa Caloocan, na lamang sa Marikina, 13-7, 32-18 at 52-31 sa unang tatlong quarters ng laro.

Sampung iba pang mga players ang naka-iskor para sa Batang Kankaloo.

Wala namang player mula sa Marikina ang umiskor ng higit sa eight points sa kanilang pagkatalo.

Dahil dito, nabaon pa ang Marikina sa 1-7 win-loss record.

The scores:

Caloocan (64) — Casin 13, Cabanag 9, Sanga 7, Calahat 6, Lasco 6, Cervantes 6, Sumoda 4, Bonsubre 4, Espinas 4, Matias 2, De Mesa 2, Inigo 1, Lee Yu 0, Tayongtong 0, Valin 0.
Marikina (38) — Pili 8, Evangelista 6, Mosqueda 5, Tan 4, Udjan 4, Igliane 3, Mabigat 2, De Liano 2, Landayan 2, Tolentino 2, Escoto 0, Castellano 0, Demigaya 0, Zabale 0, Casajeros 0.
Quarterscores: 13-7, 32-18, 52-31, 64-38.