barbie clara

Third installment ng ‘Mano Po Legacy’ series, star-studded

Mercy Lejarde Oct 17, 2022
244 Views

Kinasasabikan na ang nalalapit na world premiere ng third installment ng Mano Po Legacy series na The Flower Sisters.

Ang The Flower Sisters ay tungkol sa apat na Chua sisters na may iisang ama pero magkakaibang ina.

Pagbibidahan ang serye nina Aiko Melendez, Thea Tolentino, Angel Guardian at Beauty Gonzalez.

Agad namang umani ng positive feedback ang teaser plug ng serye kung saan mapapanood ang tagisan ng apat sa drama.

“Wow, bongga ‘to, sina Aiko at Beauty parehong palaban!” comment ng isang netizen.

Ayon naman sa isang fan na excited na sa pagsisimula ng programa, “Grabe ang GMA, galing nyo. Congrats.”

NETIZENS, NAG-REACT

Gabi-gabing pinag-uusapan ng viewers at netizens ang hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.

Nakatutok ang mga manonood sa paglalakbay ni Klay (Barbie Forteza) sa mundo ng nobela ni Dr. Jose Rizal. Pero ang isa rin sa mga inaabangan ngayon ay kung may mabubuong pagtitinginan sa pagitan nina Klay at Fidel (David Licauco) na binansagan bilang “FiLay.”

Sa nakaraang episode, nagkainitan sina Klay at Fidel habang nagdidiskusyon tungkol sa pagiging makapangyarihan ng mayayaman.

Ayon kay Klay, hindi dapat maging makasarili at abusado ang mga taong nakakaangat sa lipunan gaya ng mga negosyante.

Buwelta naman ng mestizong si Fidel, “Ano bang alam ng isang babaing kagaya mo sa mga komplikasyon, proseso at paraan ng pagnenegosyo?”

Dito na napa-English ang ating Gen Z Maria Clara at sinabing, “Your idiotic and misogynistic outburst is quite annoying!”

Papalag na dapat si Fidel kay Klay pero pinigilan siya ni Ibarra (Dennis Trillo).

Laking gulat naman ng mga ginoo nang biglang sampalin ni Klay si Fidel.

Napa-comment tuloy ang ilang netizens sa Facebook page ng GMA Drama ng, “Red flag si Fidel pero team #FiLay pa rin ako. Kahit nag-aaway, nakakakilig pa rin! Ang intense nito. Galing niyo talaga, nangangamoy award ang acting!”

Subaybayan ang past with a twist sa Maria Clara at Ibarra, mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m., sa GMA Telebabad at 9:40 p.m. sa GTV.

MAS PINALAKAS

Wala namang sawang inaabangan tuwing hapon ang mga pasabog, tapatan at pag-iibigan na hatid ng mga programa sa GMA Afternoon Prime.

Tulad na lamang ng paghanga ng netizens sa pagbangon at katapangan ni Annalyn (Jillian Ward) sa tuwing inaapi siya sa Abot Kamay na Pangarap.

“Good, ganyan lumalaban ang bida sa kontrabida, ‘di nagpapatalo sa iba. Good job sa director. Ituloy lang ‘yung ganda ng tema ng palabas. Gusto ko ‘yung bida na kinakalaban nila pero lumalaban at ‘di nagpapatalo sa mga umaapi,” komento ng isang fan sa Facebook page ng GMA Drama.

Patuloy namang sinusubok ang samahan nina Eden (Elle Villanueva) at Red (Derrick Monasterio) sa Return to Paradise kaya mas lalo pang inaabangan ng netizens kung ano ang mangyayari sa kanilang relasyon.

Kasabay naman ng pagkakakulong ni Amelia (Jean Garcia) sa Nakarehas na Puso, ang pagbuhos ng simpatya at suporta sa kanya ng mga manonood, “Fight lang Amelia. Kaya mo ‘yan! Darating ang panahon na makakabawi ka rin at mananagot ang dapat managot,” komento ng isang avid viewer.

Inaabangan din ang upcoming premiere ng Unica Hija na pagbibidahan nina Kate Valdez, Katrina Halili at Kelvin Miranda.

Kaya huwag pahuhuli sa mga kwentong puno ng inspirasyon, pagmamahal at pag-asa sa Abot Kamay na Pangarap, Return to Paradise, Nakarehas na Puso at Unica Hija sa mas pinalakas na GMA Afternoon Prime.