Angela morena

Angela mas napansin ang acting kaysa paghuhubad

Aster A Amoyo Oct 18, 2022
271 Views

AFTER doing supporting and second lead roles in movies “Sanggano, Sanggago, Sanggwapo 2,” “Ang Babaeng Nawawala sa Sarili,” “Kinsenas Katapusan,” “High On Sex (TV series),” and “5 in 1” among others, Viva sexy star Angela Morena is finally given her very first lead role in Topel Lee’s “Tubero”with Vince Rillon as her leading man.

Sa naturang pelikula ay nag-shine nang husto si Angela hindi lamang sa pagpapa-seksi kundi sa acting na siyang nangibabaw more than her intimate and daring scenes in the movie.

Napansin din ang kanyang magandang rehistro sa big screen.

Na-overwhelm ang pamangkin ni Lara Morena sa mga papuri sa kanya matapos ang private screening ng “Tubero” which will be streamed on Vivamax simula ngayong October 21.

Matapos maipakita ni Angela ang kanyang husay sa acting sa “Tubero,” hindi kami magtataka kung maging sunud-sunod ang movie projects niya sa bakuran ng Viva kung saan siya nakakontrata.

Samantala, ang “Tubero,” na joint production ng Viva Films at APT Films, ay tinatampukan din nina JC Tan, Alona Navarro, Jem Milton, PJ Rosario at Roi Alonte.

 

Andrea del rosarioAndrea muntik umatras sa pelikulang may sexy scene

AYON sa actress na si Andrea del Rosario na nagkaroon siya ng hesitation na tanggapin ang pelikulang “May-December-January” movie dahil sa mga steamy scenes na ayaw niyang gawin.

Ang malaking consideration sa kanya ay ang narrative ng pelikula na sinulat ng National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee at ang award-winning director na si Mac Alejandre.

Bago tinanggap ni Andrea ang proyekto ay ipinaalam niya ito sa kanyang fiancé, ang international polo player na si Anthony Garcia para hindi ito maging mitsa ng kanilang pagkakaroon ng misunderstanding, maging sa kanyang 12-year-old daughter (sa isang kilalang businessman) na si Bea. She also sought the advise of their pastor.

“First and foremost, I know I’m an actress pero sa edad at sitwasyon ko ngayon, may sariling limitations na rin ako at may dapat din akong i-

consider,”aniya.

The film “May-December-Janauary” was originally intended for streaming on Vivamax but was decided on na ito’y ipalabas for theatrical release which was given an R-16 rating by the MTRCB.

Inamin ni Andrea na kabado umano siya bago nagsimula ang premiere night screening ng movie sa magiging reaction ng mga manonood at napawi lamang ang kanyang kaba nang isang masigabong palakpakan ang kanyang narinig sa loob ng sinehan ng The Block ng SM North EDSA kung saan ginanap ang red carpet premiere night. Kabi-kabilang pagbati rin ang kanyang tinanggap mula sa mga nakapanood ng pelikula gayundin ang kanyang young co-stars na sina Gold Aceron at Mych Minemoto.

“Honestly, doon lamang naging panatag ang loob ko,” pahayag ni Andrea na balik lead role sa “May-December-January” movie.

More than the sexy scenes, mas matatandaan ng mga manonood ang

narrative at mahusay na pagkakaganap ng cast at ang malinis na pagkaka-direk ni Direk Mac.

Andrea is scheduled to leave for Argentina to be with her fiancé na si Anthony.

Sa isang taon ay kinu-consider din ng singer-actress at dating miyembro ng Viva Hot Babes na mag-relocate sa Amerika pero magpapabalik-balik umano siya ng Pilipinas at America if there are projects for her here. She also intends to get an agent in the US for projects there. Gusto rin niya na sa Amerika na rin magpatuloy ng pag-aaral si Bea (na carbon copy ng biological father nito).

Come November 27 at magpu-45 na si Andrea at isa sa kanyang mga goal ay muling magkaroon ng baby sister or brother si Bea either thru IVF (in vitro fertilization) o sa pamamagitan ng surrogacy.

Bukod sa pelikulang “May-December-January,” malapit na rin siyang mapanood ang bagong TV series ng ABS-CBN, ang “Dirty Linen” kung saan tampok na mga bituin sina Janine Gutierrez, Zanjoe Marudo, Francine Diaz, Seth Fedelin, John Arcilla at marami pang iba.

Si Andrea ay nasa pangangalaga pa rin ng Viva Artists Agency, her management company of long standing since her Viva Hot Babes days at walang exclusive TV network contract kaya bukas siyang magtrabaho sa lahat ng TV networks mula GMA, ABS-CBN, TV5 at iba pa.

 

Jeric at rabiyaJeric at rabiyaRabiya at Jeric nanatiling magkaibigan

MARAMI ang naniniwala na nagkabalikan umano ang dating magkasintahang Jeric Gonzales at kapwa niya Kapuso artist, ang dating beauty queen na si Rabiya Mateo.

Inamin naman ng Kapuso actor na wala umanong bitterness sa kanilang pagitan ni Rabiya nang sila’y magkahiwalay kaya nanatili silang magkaibigan.

Si Jeric ay graduate ng nursing sa Calamba Doctor’s College in Calamba, Laguna pero hindi na siya nakapag-take ng board exams at na-practice ang kursong tinapos dahil pinasok na niya ang showbiz.

Isa si Jeric sa cast ng GMA-7 adaptation ng K-drama na “Start-Up” na pinagbibidahan nina Bea Alonzo at Alden Richards.

 

Aktres may attitude problem

GAANO kaya katotoo ang balita na kaya umano nauwi sa hiwalayan ang celebrity couple na ito dahil may attitude umano ang actress na nobya ng actor.

Naniniwala ang marami na kaya rin siguro nahiwalay ang actress sa kanyang non-showbiz boyfriend noon ay dahil din sa kanyang pag-uugali.

Marami ang nanghinayang sa recent break-up ng celebrity couple dahil napakabait ng actor na hindi umano pinahalagahan ng kasintahang actress.

Ang buong akala pa naman ng actor ay `the one’ na para sa kanya ang kanyang dating kasintahang actress.

 

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and ‘INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.