Calendar

Tiangco: Alyansa buong-buo, suporta lumalakas
ANG Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, na binubuo ng limang pinakamalalaking partidong pulitikal sa bansa, ay nananatiling matatag at nagkakaisa habang patuloy na lumalawak at lumalakas ang suporta sa kanilang senatorial slate sa buong bansa.
Ito ang matibay na paniniguro ni campaign manager at Navotas City Rep. Toby Tiangco, na binigyang-diin ang lakas ng koalisyon at ang malinaw na pag-endorso na natatanggap nito mula sa sambayanang Pilipino.
“The five-party Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, composed of Partido Federal ng Pilipinas (PFP), Lakas-CMD, Nationalist People’s Coalition (NPC), National Unity Party (NUP), and Nacionalista Party (NP), is intact,” ani Tiangco sa isang pahayag.
Tinukoy niya na ang momentum ng Alyansa ay hindi lamang nagmumula sa mga tradisyonal na alyansa kundi mula rin sa lumalawak na suporta ng publiko.
“Our candidates continue to receive overwhelming support both at the national and local level, and even from grassroots organizations,” ani Tiangco.
“This is something that we welcome and are proud of because politics is about addition, not division. It is about building coalitions. And in any election, every bit of support counts,” dagdag pa niya.
Kabilang sa ticket ng Alyansa sina dating Interior Secretary Benhur Abalos, Makati City Mayor Abby Binay, Senator Ramon “Bong” Revilla, Senator Pia Cayetano, dating Senator Panfilo “Ping” Lacson, Senator Lito Lapid, dating Senator Manny Pacquiao, dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III, Senator Francis “Tol” Tolentino, dating Social Welfare Secretary at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo, at Deputy Speaker Camille Villar.
Binigyang-diin ni Tiangco ang estratehikong halaga ng bawat kandidato sa slate, na lahat ay pinili mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
“Ang mga kandidato na Alyansa ay personal na pinili ni Pangulong Marcos dahil sa kanilang mahusay na kakayahan at matatag na karanasan,” paliwanag niya. “The Alyansa candidates are part of the administration slate because they are committed to the vision we all share: Bagong Pilipinas.”
Nilinaw niya na ang layunin ng koalisyon ay tipunin ang suporta para sa mga pangkaraniwang adhikain at matiyak ang pagkapanalo ng mga kandidatong karapat-dapat pagkatiwalaan ng publiko.
“One of our goals is to build broad support around the shared platform of Alyansa, and our overarching objective is for all our candidates to win because they are capable, committed, and deserving of the trust and confidence of the Filipino people,” aniya.
Ayon kay Tiangco, ang bawat pag-endorso ay hindi lamang simpleng suporta kundi patunay ng pagkilala sa layunin para sa mas maayos na Pilipinas.
“Ang bawat pag-endorso na makukuha ng bawat kandidato ng Alyansa ay patunay na pagtango at pagyakap sa Bagong Pilipinas na isinusulong ng ating Pangulo. And that is what matters most,” diin ni Tiangco.