Rape Kinilala ni Police Lt. Col. John Guiagui ang suspek na may kasong 4 counts ng rape na naaresto ng sa Taguig City. JONJON C. REYES

Tindero sa Taguig arestado sa 4 na bilang ng gahasa

Jon-jon Reyes May 30, 2025
24 Views

INARESTO ang isang food vendor ng mga operatiba ng District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) ng Manila Police District sa kasong four counts ng statutory rape sa Brgy. Bagong Bayan, Taguig City noong Miyerkules.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel John Guiagui, District Intelligence Division Chief, ang naaresto na si alyas Pudong.

Base sa ulat ni Police Staff Sergeant Arjay Bautista, may hawak ng kaso, kay Police Major Kevin Rey Bautista, hepe ng DPIOU, bandang alas-9:20 ng gabi ng arestuhin ang akusado sa Paso St., Brgy. Bagong Bayan, Taguig.

Walang piyansang inirekomenda para sa pansamantalang paglaya ng suspek.