Calendar

Tingog nanguna sa pinakabagong Tangere survey, patunay ng tiwala sa makamasang paglilingkod
NANGUNA ang Tingog Party-list, na pinangungunahan nina Reps. Yedda Romualdez at Jude Acidre, sa pinakahuling Tangere Pre-Election Survey, ilang linggo bago ang eleksyon sa Mayo.
Nakakuha ang Tingog ng 5.75 porsyentong voter preference sa survey na isinagawa mula Abril 22 hanggang 26 sa pamamagitan ng mobile-based platform. Mayroon itong 2,400 respondents mula sa lahat ng rehiyon.
Malakas ang naging suporta ng rehiyon ng Visayas, at kabilang ang Tingog sa limang grupong inaasahang makakakuha ng dalawang puwesto sa susunod na Kongreso.
“We are humbled by this expression of support,” ani Romualdez. “It affirms the values we have stood by from the very beginning—being present, listening to our people, and making government services more accessible to those who need them most.”
Iniuugnay ng Tingog ang magandang nakuha nito sa survey sa tuloy-tuloy nitong presensya sa mga komunidad na kadalasang napag-iiwanan, sa pagpapatupad ng Kalusugan Karavan at iba pang outreach programs, at sa lumalawak na network ng Tingog Centers—mga lokal na help desk na layuning pagdugtungin ang mamamayan at mga pangunahing serbisyo mula sa gobyerno.
“Our mission has always been clear: to ensure that no Filipino is left behind,” ani Acidre. “We believe that good governance begins with listening and is fulfilled through action. Nakikinig kami. Nagsisilbi kami. That is what defines our work.”
Ipinapakita ng ulat ng Tangere ang pabago-bagong takbo ng eleksyon, ngunit ang patuloy na pagtaas ng Tingog ay nagpapahiwatig ng lumalalim na pagkilala sa kanilang uri ng pamumuno—praktikal, makalupa at tumutugon.
“This is not merely a political milestone,” dagdag ni Romualdez. “It is a reminder of our responsibility to serve with integrity and compassion. Every Filipino deserves to be heard, to be helped, and to be reached—wherever they are.”
Sa pagpasok ng huling bahagi ng kampanya, binigyang-diin ng Tingog na hindi nagbabago ang kanilang pokus: ang paglapit ng serbisyo publiko sa mga mamamayan, lalo na sa mga lugar na matagal nang hindi napapansin ng pambansang mga programa.
“We will continue to serve with focus and purpose,” ani Acidre. “Our work in Congress and in communities will always reflect the voices of the regions and the realities of everyday Filipinos. This is, and will remain, the heart of Tingog’s mission.”