Calendar

Tinutukan ng toy gun si ate, arestado
ARESTADO ang lalaking nanutok ng toy gun sa kanyang 53-anyos na ate noong Linggo sa Malabon City.
Naabutan pa nina P/Maj. Johnny Baltan, commander ng Police Sub-Station-5, si alyas Paul, 43, habang hawak ang baril kaya’t dinamba at inagaw ito pero kalaunan natuklasan na laruang kalibre .45 lang pala ang baril.
Bago maaresto ang suspek, humahangos na humingi ng tulong sa mga pulis ang biktimang si alyas Heidi matapos umano siyang tutukan ng baril ni alyas Paul.
Ayon kay Col. Jay Baybayan, hepe ng Malabon police, nagkaroon ng argumento ang magkapatid dakong alas-8:00 ng gabi nang nagtungo sa bahay ng kanyang nakababatang kapatid ang biktima kung saan siya tinutukan ng baril.
Kasong grave threat at paglabag sa RA 10591 in Relation to BP No. 881 (Omnibus Election Code) ang isinampa ng pulisya laban sa suspek sa Malabon City Prosecutor’s Office.