TNT TNT Tropang Giga: Unang PBA Governors’ Cup title. Photo by Ernie Sarmiento

TNT tinanghal na PBA Governors’ Cup champ

Robert Andaya Apr 22, 2023
256 Views

WALA NG iba kundi TNT.

Sumandal ang TNT sa pinag-sanib na pwersa nina Fil-Am Mikey WIlliams at NBA veteran Rondae Hollis-Jefferson upang pabagsakin ang crowd favorite Barangay Ginebra, 97-93, sa Game 6 at masungkit ang korona ng PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Hindi alintana ang matinding pressure sa harap ng higit 13, 588 manonood, umiskor si Williams ng 38 puntos mula 9-of-18 shooting sa three-point area sa halos 43 minutes upang tiyakin ang 4-2 panalo ng Tropang Giga laban sa Kings sa kanilang best-of-seven series.

Tampok sa mainit na three-point shooting ni Williams ang kanyang tirada para bigyan ng 95-93 kalamangan ang TNT sa huling 1:15 ng laro. Binura nito ang naunang slam dunk ni Jamie Malonzo na nagbigay sa Ginebra ng lamang sa huling pagkakataon, 93-92.

Napili si Williams bilang Finals MVP.

Nagpasikat din si NBA veteran Rondae Hollis Jefferson sa kanyang double-double na 27 puntos at 13 rebounds para sa Tropang Giga, na nanalo sa huling tatlong laro ng serye upang putulin ang two-year reign ng Kings sa season-ending conference.

Si Hollis-Jefferson, na naglaro din sa Brooklyn Nets, Toronto Raptors at Portland Trailblazers sa NBA mula 2015-2021, ang siya din nagselyo sa panalo sa kanyang dalawang pressure-laden free throws na may 3.2 seconds ang nalalabi sa kagalakan ngTNT crowd na kinabibilangsn nina team owner Manny V. Pangilinan at PBA Chairman Ricky Vargas.

Ito ang kauna-inahang kampeonato para kaybHollis-Jefferson, na umiskor ng 18 puntos sa second half.

Ito din ang unang PBA Governors’ Cup para sa TNT simula sumali sa liga nung 1990

Sa kabuuan, ito ang ika-siyam na PBA championship para sa TNT, kagaya ng nakuha ng Toyota bilang sixth winningest team.

Ito din ang unang titulo bilang coach ni Jojo Lastimosa ng TNT.
“Going into the finals, I knew we have to come up with a better game to dethrone them and huge credit to the coaching staff and the players ,” pahayag ni Lastimosa,na naging ika-anim na coach sa PBA history na nanalo ng titulo sa unang conference pa lamang.

“It’s an amazing four months. I did not expect it. It’s really coach Chot’s team, so thank you guys,”dagdag pa ni Lastimosa.

Si three-time Best Import Justin Brownlee ang nanguna para sa Ginebra sa kanyang 29 points, 12 rebounds at four assists, dalawang araw matapos n ma- food poisoning.
The scores:

TNT (97) — M.Williams 38, Hollis-Jefferson 29, Erram 6, Oftana 6, K.Williams 4, Ganuelas-Rosser 4, Montalbo 3, Khobuntin 1

Ginebra (93) – Brownlee 29, Malozno 21, Thompson 20, Standhardinger 16, Gray 4, Pinto 2, J.Aguilar 1, Mariano 0, Pringle 0

Quarterscores: 20-27, 48-51, 77-73, 97-93.