PCAP

Toledo Trojans hindi maawat

Ed Andaya Oct 11, 2024
384 Views

Patuloy ang pamamayagpag ng Southern Conference frontrunner Toledo Trojans sa 2024 PCAP-GM Wesley So Cup chess team championships.

Winalis ng Toledo ang Rizal Towers, 18-3, at Isabela Knights of Alexander, 16-5, para palawigin pa ang kanilang pag-domina na may perfect 11-0 win-loss record.

Wagi sina Russian FM Ivan Yeletsky laban kina Ali Branzuela ng Rizal, 3-0, at Melchor Foronda ng Isabela, 3-0, GM Rogelio Antonio, Jr. laban kina Stephen Manzanero ng Rizal, 3-0, at Gerardo Cabellon ng Isabela, 2-1; Cherry Ann Mejia laban kina Shaira Aquino ng Rizal, 3-0, at Diana Banawa ng Isabela, 3-0; at IM Angelo Young laban kina Elias Lao ng Rizal, 3-0, at Edmundo Gatus ng Isabela, 3-0, para sa Trojans.

Nagpakitang gilas din sa kanilang two-game sweep ang defending champion Pasig Pirates, San Juan Predators at Manila Load Manna Knights sa North; at Camarines Eagles sa South.

Wagi ang Pasig, sa pamumuno nina GM Mark Paragua at Cris Ramayrat, laban sa Iloilo Kisela Knights, 15-6, at Arriba Iriga, 21-0, para sa second-best 10-1 record.
Pinayuko ni Paragua sina Lloyd Lanciola ng Iloilo, 3-0, at Samson Lim ng Iriga, 3-0, amsa top board; habang pinataob ni Ramayrat sina Cesar Mariano ngIloilo, 2-1, at Roger Pesimo ng Iriga, 3-0, sa senior board.

Nnanaig din ang Pasig sa women’s division na kung saan tinalo nila Sherily Cua at Rowelyn Acedo sin Fiona Guirhem ng Iloilo (3-0) at Isabel Palibino ng iriga (3-0), ayon sa pagkasunod.

Samantala, pinagpag ng San Juan Predators ang Davao Eagles, 12.5-8.5, at Iloilo Knights, 15-6; giniba ng Manila Load Manna Knights ang Arriba Iriga, 20-1, at Mindoro Tamaraws, 15-6; at itinumba ng Camarines Eagles ang Isabela Knights of Alexander, 17-4, at Quezon City Simba’s Tribe, 13-8.

Nanguna para sa San Juan sina Karl Victor Ochoa, Jan Jodilyn Fronda at Victor Moskalenko, na wagi laban kina Dharim Bacus, Karen Enriquez at Alex Lupian ng Davao; at Prin Laohawirapap, Fiona Guirhem at Cesar Mariano ng Iloilo.

Bagamat nabigo si United States-based GM Rogelio Barcenilla sa mga kamay ni Sander Severino ng Davao. 0-3, bumawi siya upang talunin si Cesar Mariano ng Iloilo, 3-0.
Namuno naman sina Yoseph Taher, Paulo Bersamina, Arvie Lozano, Edgardo Garma at Daryl Samantila para sa Manila.

Ang PCAP, ang first and only play-for-pay league sa bansa, ay pinangungunahan nina President- Commissioner Atty.Paul Elauria at Chaiman Michael Angelo Chua.

Ang kumpetisyon ay sinusuportahan ng San Miguel Corporation, Ayala Land at PCWorx.