Frasco

Tourism sector kumita ng P100B

207 Views

KUMITA umano ng P100 bilyon ang sektor ng turismo sa bansa sa mahigit 2 milyong turista na bumisita sa bansa simula noong Pebrero ng luwagan ang COVID-19 health protocol.

Ayon sa Department of Tourism umabot na sa 2,025,421 ang bilang ng mga turistang bumisita sa bansa hanggang noong Nobyembre 14.

Sa bilang na ito 1.48 milyon ang dayuhang turista at 538,078 ang mgaoverseas Filipino.

“Our latest figures have reached well beyond the 1.7 million tourist projections of the DOT. This goes to show that there is such a huge demand for travel into our beautiful country and that the Marcos administration’s prioritization of tourism is placing our country on the right track to recovery,” sabi ni Tourism Secretary Christina Frasco sa isang pahayag.

Upang magpatuloy ito, sinabi ni Frasco na kailangang mapanatili ang mahuwag na health protocol at maipahayag na bukas na ang Pilipinas para tumaggap ng mga turista.

Sa mga bumisitang turista, pinakamarami ang mga mula sa Estados Unidos (385,121) at sumunod ang mula sa South Korea (285,583) at Australia (96,297).