Calendar
Toy gun ginamit sa holdapan; holdaper na pekeng customer huli
KALABOSO ang 49-anyos na holdaper na umano’y nanloob sa convenience store gamit ang pekeng baril noong Miyerkules sa Caloocan City.
Nagkunwaring customer ang suspek ng pumasok sa establisyemento sa P. Sevilla St., 4th Avenue, Brgy. 51, Caloocan dakong alas-5:10 ng hapon bago naglabas ng pekeng baril at nagdeklara ng holdap.
Mabilis na tumakas ang suspek tangay ang P3,000 cash na kinulimbat sa kahera na nakahingi ng tulong sa mga nagrorondang barangay tanod.
Hinabol ng mga tanod at mga residente sa lugar ang holdaper hanggang masukol at ipaaresto sa mga nagrespondeng tauhan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Christopher Dela Cruz.
Nakumpiska sa suspek ang ginamit na pekeng baril at ice pick na ipiniprisinta bilang ebidensiya sa piskalya para sa paghahain ng mga kasong robbery holdup, paglabag sa RA 10591 at BP 6 (illegal possession of deadly weapon).

