Sara

Trabaho, edukasyon, mapayapang pamumuhay tutukan ni Mayor Sara

588 Views

TUTUTUKAN ni vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte ang paglikha ng maraming trabaho, edukasyon, at mapayapang pamumuhay ng mga Pilipino.

“Ang kailangan po ng ating bansa, ibalik yung mga trabaho na nawala dahil sa pandemya. Pangalawa ay ang backbone ng magagandang trabaho —kalidad na edukasyon para sa ating mga anak. At ang pangatlo ay kung ano yung gusto ng lahat ng tao — ang mapayapang pamumuhay,” sabi ni Duterte.

Sinabi ni Duterte na madaling makakamit ang mga mithiing ito kung magkakaisa ang mga Pilipino.

At ang mensahe umano ng pagkakaisa ang panawagan nina Duterte at running mate nitong si dating Sen. Ferdinand ‘Marcos’ Jr.

“Magkaisa tayong lahat tungo sa isang direksyon at yon ay tuloy-tuloy na kaunlaran para sa ating bansa,” sabi ni Duterte.

Sa kanyang pangangampanya sa Batangas, nagpasalamat si Duterte sa mga Batangueños sa kanilang pagsuporta sa kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.

“Noong 2016 po ay nanalo bilang pangulo dito sa probinsya ng Batangas ang number one na barako ng Davao City — si President Duterte po. Ang aming pamilya po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong lahat,” dagdag pa ni Duterte.