Garin isinusulong pagbabalik ng MAIFIP sa MAP
Oct 26, 2026
Isyu sa YAKAP sa San Antonio hiniling na linawin
Oct 26, 2026
Calendar
Provincial
Trahedya sa Teachers’ Day: Guro nabangga, pumailalim sa bus, sugatan
Edd Reyes
Oct 6, 2026
109
Views
IMUS CITY, CAVITE – Isang babaeng guro ang nabangga at napunta sa ilalim ng isang mini bus na nawalan umano ng preno habang bumibiyahe sa Centennial/Gahak Road sa Barangay Pag-asa 3, Imus City, Cavite, noong Oktubre 5, 2026.
Nakatayo umano ang biktima sa gilid ng kalsada sa harap ng isang fastfood restaurant nang siya ay mabangga ng minibus.
Ayon sa driver na kinilalang si “Rogelio,” nawalan ng preno ang sasakyan.
Nangyari ang insidente bandang alas-2:44 ng hapon, kasabay ng pagdiriwang ng World Teachers’ Day sa bansa.
Sa isinagawang imbestigasyon, nakilala ang biktima bilang si “Gemma,” nasa hustong gulang at guro sa eementary school sa Pasay City.
Kasalukuyang nagpapagaling ang biktima, habang nasa kustodiya ng pulisya ang driver ng bus.
Isyu sa YAKAP sa San Antonio hiniling na linawin
Oct 26, 2026
Wanted sa drugs kulong sa Cardona
Oct 26, 2026
Dating komunista sumuko sa Bataan, dala pati boga
Oct 26, 2026
Nagnakaw ng donation money sa Vigan Cathedral nahuli
Oct 26, 2026
BPPO tinanggap mga kadete ng PNPA
Oct 25, 2026

