Boga Iniharap ng mga operatiba ng Carcar City police kay Police Lieutenant Col. Arwen Nacional ang suspek na natimbog sa Sitio Hunob, Brgy. Guadalupe, Carcar City.

Boga nakumpiska sa binata sa Carcar City

Jon-jon Reyes Oct 6, 2026
20 Views

SA rehas na bakal pinulot ang 20-anyos na binata na inaresto dahil sa paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ng mga operatiba ng Carcar City police katuwang ang RIU Cebu at PIT sa Sitio Hunob, Brgy. Guadalupe, Carcar City, Cebu noong Lunes.

Nakilala ang akusado na si alyas TJ, ayon sa report kay Police Lieutenant Colonel Arwen Nacional, hepe ng pulisya ng Carcar City.

Bandang alas-4:18 ng hapon natimbog ang akusado sa tulong ng search warrant.

Nakumpiska sa suspek ang 9 mm pistol at bala sa magazine.

Ayon kay PLt. Col. Nacional, lalo nilang paiigtingin ang mga operasyon sa kanilang area of responsibility lalo na ngayong ber months.

Nagpaalala sa publiko si Nacional na maging alerto at iwasan mag suot ng mga mamahaling alahas at mag cellphone sa mga matataong lugar upang maiwasan ang krimen tulad ng holdap, salisi at snatcher.