Tren Ang nadiskaril na tren. Kuha courtesy ng PNR

Tren ng PNR nadiskaril

Jun I Legaspi Apr 18, 2023
257 Views

ISANG tren ng Philippine National Railways (PNR) ang nadiskaril umaga ng Martes, Abril 18.

Ayon sa PNR ligtas naman ang lahat ng 400 pasahero ng tren.

Alas-11:20 ng umaga nang maalis sa riles ang tren paglagpas sa Don Bosco Crossing sa pagitan ng Pasay Road at EDSA. Patungo ang tren sa Alabang at tumatakbo umano sa bilis na 20 kilometro bawat oras.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon kung ano ang sanhi ng pagkadiskaril.