Tauhan ng PRO 4A nagtipon para sa DPPA
May 30, 2026
Calendar
Provincial
Tricycle driver utas sa kapwa driver
Gil Aman
Dec 8, 2024
526
Views
PATAY ang 31-anyos na tricycle driver makaraang barilin ng kapwa driver habang nakaupo noong Sabado sa corner ng Fr. Masi at Pagsanjan Sts., Brgy. San Antonio, San Pedro City, Laguna.
Nagtamo ang biktimang si Resty Alfiscar Hernandez ng ilang tama ng bala sa kanyang katawan.
Tumakas ang hindi nakilalang suspek, ayon sa mga pulis.
Ayon sa pulisya, naganap ang pamamaril dakong alas-2:00 ng madaling araw.
Nakaupo sa minamanehong tricycle ang biktima ng biglang dumating ang armadong suspek saka walang babalang pinutukan ng ilang beses.
Tauhan ng PRO 4A nagtipon para sa DPPA
May 30, 2026
Nagtatag ng Gawad Kalinga inaresto sa Bulacan
May 30, 2026
Pandesal vendor utas sa pamamaril
May 30, 2026
Kalsada sa Naujan ipinasemento; biyahe giginhawa na
May 30, 2026

