Calendar
TRO ‘di ibinigay ng Supreme Court; BBM-Sara Proclamation tuloy na!
SA darating na Huwebes (May 26) o Biyernes (May 27) na ipo-proklama sina incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., at incoming Vice-President Inday Sara Duterte. Tiyak na ito lalo’t hindi naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court upang pigilan ang gagawing pagbibilang ng Kongreso bilang National Board of Canvassers (NBOC) ngayong Martes (Mayo 24).
Sa halip na TRO, naglabas ang SC en banc ng resolusyon upang atasan ang Kongreso, ang Commission on Elections (Comelec) at ang kampo ni Marcos na sagutin ang petisyon ang petisyon na ipawalang bisa ang kandidatura ni Marcos sa loob ng 15 araw.
“WHEREAS, considering the allegations contained, the issues raised and the arguments adduced in the Petition, without necessarily giving due course thereto, it is necessary and proper to REQUIRE the respondents to COMMENT on the petition and prayer for temporary restraining order within a period of fifteen (15) days from notice hereof,” anang desisyon na may petsang May 19, 2022.
Dahil sa naturang kautusan, mistulang sinopla ng SC ang mga petitioners na pigilan NOBC sa gagawing pagbibilang lalo’t ang 15-day period na ibinigay ng Korte Suprema para sagutin ang petisyon ay magtatapos sa June 8 o mahigit isang linggo bago ang inaabangang proklamasyon nina Marcos at Duterte.
Sa Congress’ calendar of activities, ang napipintong proklamasyon sa bagong pangulo at bise-presidente ng bansa ay sa darating Mayo 27 (Biyernes).
Hanggang nitong Biyernes, ang SC en banc ay naka-recess at muling magbubukas ang sesyon sa June 14.
Sa ilalim ng patakaran, kapag naka-recess ang en banc, bukod tanging Chief Justice lamang ang makapag-iisyu ng TRO, base na rin sa rekomendasyon ng pontente ng kaso o ‘Justice in charge of the case.’
Ang masaklap para sa katayuan ng mga petitioners, si Chief Justice Alexander Gesmundo ay nasa ‘official business trip’ sa labas ng bansa at babalik sa Pilipinas sa unang linggo ng Hunyo. Sa petsang ito ay siguradong na-proklama na sina Marcos at Duterte.
Bago nito, naglabas ng babala si opposition Senator Franklin Drilon na posibleng magkakaroon ng Constitutional crisis sakaling maglabas ng TRO ang SC para pigilan ang proklamasyon nina Marcos at Duterte na nanalong ‘landslide’ kontra sa kanilang mga katunggali.
Binigyang-diin pa ng Senate Minority Leader na wala ring kapangyarihan ang SC upang pigilan ang Kongreso sa gagawing proklamasyon sa mga magiging pangulo at bise-presidente ng Pilipinas.
“Ang pagproklama ng pangulo at pangalawang pangulo sang-ayon sa lumalabas na boto sa certificate of canvass ay tungkulin po ng Kongreso sa ilalim ng ating Saligang Batas,” ani Drilon sa isang TV interview.
“Hindi pwedeng pigilin sa pamamagitan ng restraining order ang Kongreso at harangin ang kanyang tungkulin sa Saligang Batas. Kaya wala pong jurisdiction ang Supreme Court na mag-isyu ng TRO,” dagdag pa ng opposition senator.
“Hindi lang po yan wala sa lugar sa ating Saligang Batas mas nakakatakot po kung mag-issue sila ng TRO at pagdating ng Hunyo 30 ay wala tayong mapo-proklamang presidente at pangalawang pangulo,” wika pa ni Drilon.
Sana ay tanggapin na ng kampon ng dilawan ang kanilang pagkatalo lalo’t 31 milyon Pilipino ang bumoto kay BBM at mahigit sa 16 na milyon ang laman nito mula sa talunang si Leni Robredo.