Partner

TRUSTED PARTNER

166 Views

Bilang patunay sa matibay na samahan at pagtitiwala, magtatayo ang Toyota Motors ng Service Center at dealership sa Antipolo City. Ibig sabihin, dagdag na oportunidad sa trabaho para sa mga Antipolenyos. Ikinatuwa ito ni Antipolo City Mayor Jun Ynares, na inalala pa ang unang branch ng kumpanya na itinayo sa Taytay, Rizal noong siya ay Gobernador. “Ngayon, sa Antipolo naman magtatayo para makatulong magbigay ng trabaho sa ating mga kababayan. Bukod sa trabaho, mas malapit na din ang service center para sa madami nating mga kababayan,” masayang pahayag ni Mayor Jun. Patunay aniya na bilang isa sa fastest growing cities sa Luzon, tuloy-tuloy na pag-angat ng ekonomiya, negosyo, at turismo, kasabay ang lumalaking pangangailangan sa maaasahang sasakyan at serbisyong madaling lapitan.