TS Bebinca

TS Bebinca mataas tyana na maging ganap na bagyo

120 Views

Bahagyang lumakas pa si Tropical Storm Bebinca habang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa Pagasa nananatiling mataas ang tiyansa na maging ganap na bagyo ang Tropical Storm Bebinca sa susunod na dalawang lingo.

Sa ulat ng PAGASA, inaasahan na makakapasok sa Northeastern Boundary ng Philippine Area of Responsibility ang Tropical Storm Bebinca ngayong Linggo.

Huling namataan ang sentro nito sa layong 1,995km east ng Southern Luzon.

May lakas na itong 85kph at bugsong aabot sa 105kph.

Bukod pa dito, may isa pang binabantayan na tropical cyclone-like vortex na maaaring maging ganap na tropical cyclone sa silangang bahagi ng PAR.

Gagalaw ito patungong Taiwan sa susunod na lingo habang inaasahan naman na magkakaroon ng isa pang TCLV sa kanlurang bahagi ng Northern Luzon.

Mababa naman ang probabilidad na maging ganap na tropical cyclone ito.

Tatawaging Bagyong Ferdie si Tropical Storm Bebinca oras na pumasok sa PAR sa Biyernes ng gabi or Sabado ng umaga.