Rescue Kasama ng mga miyembro ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group ang 14-anyos na international school student na kanilang sinagip sa Paranaque Martes ng gabi.

Tsino, 14, na kinidnap, nasagip ng PNP sa Paranaque

Alfred Dalizon Feb 26, 2025
13 Views

SA isang mabilis at maingat na operasyon, matagumpay na natunton at nasagip ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG), katuwang ang Armed Forces of the Philippines at National Capital Region Police Office ang kinidnap na 14-anyos na Chinese student sa Parañaque City noong Martes ng gabi.

Ayon sa PNP, ang estudyante ay inabandona ng kanyang mga kidnappers dahil sa ‘intense pressure’ ng kapulisan at natagpuan ang bata sa Macapagal Avenue, Parañaque City bandang alas-diyes ng gabi ng Martes.

Agad na naibalik ang menor de edad sa kanyang ama at dinala sa pinakamalapit na hospital para sa medical examination upang matiyak ang kanyang kalagayan.

Pinuri ni PNP chief, General Rommel Francisco Marbil, ang mabilis at epektibong aksyon ng mga operatiba, na patunay ng dedikasyon ng PNP sa seguridad at kapayapaan.

“Ang pagsagip na ito ay patunay ng ating matibay na paninindigan sa proteksyon ng lahat ng mamamayan sa ating bansa. Hindi natin hahayaang mamayani ang takot sa ating mga komunidad,” ayon sa PNP chief.

Ang bata na kinilala lamang sa alias na ‘Andi’ ay kasalukuyang nagpapagaling sa ospital. Pinuri din ni Gen. Marbil ang PNP-AKG na pinamumunuan ni Colonelheaded Elmer E. Ragay sa pagkakaligtas sa bata.

Sinabi din ni PNP Public Information Office chief, Col. Randulf T. Tuaño na walang ibinayad na ransom ang pamilya ng bata sa mga kidnappers.

“The kidnappers obviously felt the intense police pressure and were forced to abandon their victim,” sinabi ng opisyal.

Ang biktima ay iniulat na nawala noong hapon ng Pebrero 20. Sinabi ng mga magulang ng bat ana nakatanggap sila ng tawag mula sa mga kidnappers na humhingi ng ransom na dolyares

“Me ransom money demanded in US dollars pero hindi kayang ibigay ng pamilya, Pero wala pong ransom money na naibigay at napilitang i-release ng mga abductors ang bata dahil sa intense pressure ng PNP-AKG, ng NCRPO at ng AFP dahil sa technical leads and human intelligence,” ayon kay Col. Tuaño.

Iniimbestigahan sa ngayon ng PNP-AKG ang posibilidad na ang mga kidnappers ay mga dating involved sa POGO operations sa bans ana lubusang pinatigil ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. simula ng December 31, 2024..

“Ayon sa Director, AKG, ito ay maaaring aftermath ng pagkakasara ng mga POGO sa Pilipinas noong December 31. Initially, isa sa miyembro ng pamilya ay involved sa POGO at pinaguusapan yung hindi pagkakabayad ng utang ng ama ng bata,” Col. Tuaño said.

Ayon sa opisyal, ang ama ng bata ay isang ‘big-time e-seller’ of all kinds of merchandise being sold online.

Lumalabas sa ngayon na ang insidente ay pawang kinsasangkutan ng mga Chinese nationals habang nagpahayag naman ng kumpiyansa si Department of Interior and Local Government Secretary Juanito Victor ‘Jonvic’ C. Remulla na agad na madarakip ang mga kidnappers.

Ang PNP Anti-Cybercrime Group ay iniiimbestigahan na din ang mga taong nagpakalat ng ‘fake news’ sa social media tungkol sa naturang insidente.

“They include social media posts that the kidnappers demanded a US$20 million ransom for the release of the victim and another post that the kidnappers have cut off a part of the victim’s finger,” sabi ni Col. Tuano.

Ang PNP-ACG sa ilalim ni Brigadier Gen. Bernard R. Yang ay nag-request na ng ‘ ‘takedown’ ng mga social media posts na ito na ang layunin lang ay ipahiya ang pamahalaan, ayon kay Col. Tuaño.

“The person behind the spread of the $20 million ransom has been identified as the same man behind a number of fake news against the government in the past,” dagdag pa ng opisyal. “We are seeking legal remedies against this person,” sabi niya.

Sa isang pahayag, sina bi ni Gen. Marbil na matatag ang kapulisan sa pagtupad nito ng kanyang tungkulin na ipatupad ang batas.

“Patuloy nating paiigtingin ang ating intelligence-gathering at operasyon upang maiwasan ang ganitong mga insidente. Ang kaligtasan ng lahat—Pilipino man o dayuhan—ang ating pangunahing prayoridad,” sinabi ni Gen. Marbil.

Dagdag pa niya, ang matagumpay na operasyong ito ay alinsunod sa mas pinaigting na kampanya ng pamahalaan sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa buong bansa.

Patuloy ang imbestigasyon upang malaman ang buong detalye ng insidente at matukoy ang mga nasa likod nito. Hinihikayat ng PNP ang publiko na manatiling mapagmatyag at agad iulat sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad.