Rodolfo PNP-AKG Director Brigadier General Roel C. Rodolfo.

Tsino na wanted sa kidnapping, rape, nasakote ng PNP-AKG

Alfred Dalizon Jan 11, 2025
9 Views

NAARESTO ng mga tauhan ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) noong Biyernes ang isang Chinese national na wanted sa kasong kidnapping-for-ransom na may kasamang rape sa Parañaque City, ayon kay PNP-AKG Director Brigadier General Roel C. Rodolfo.

“We have put behind jail a Chinese national who has been in hiding since last year for the grave case of kidnapping-for-ransom with rape,” pahayag ni Brig. Gen. Rodolfo sa ulat kay PNP Chief General Rommel Francisco D. Marbil.

Naaresto ang suspek na si Yonghen Hu sa kanyang pinagtataguan sa Ashton Field Subdivision, Barangay Milagrosa, Calamba City, Laguna bandang 9:30 ng umaga.

Sinabi ni Brig. Gen. Rodolfo na ang akusado ay inaresto sa bisa ng isang non-bailable warrant of arrest na inisyu ni Judge Harold Cesar Huliganga ng Parañaque City Regional Trial Court Branch 196 noong Oktubre 10, 2023. Ang warrant ay para sa mga kasong kidnapping-for-ransom at serious illegal detention na may kasamang rape.

Ayon sa PNP-AKG, natunton nila ang suspek matapos makakuha ng tip mula sa isang impormante. Ang kaso ay may kaugnayan sa pagdukot at panggagahasa sa isang Taiwanese national noong Enero 12, 2024.

“The successful arrest of a wanted individual is a manifestation of AKG personnel’s sincerity and dedication to give justice to victims of kidnapping. I commend the PNP-AKG operatives and everyone involved in this operation,” ani Brig. Gen. Rodolfo.