Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr. PRO3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr.

Tsinong executive arestado sa paghawak sa dibdib ng Pinay

Bernard Galang Aug 25, 2024
26 Views

ARESTADO ang Chinese construction executive noong Sabado matapos ireklamo ng engineer na babae ng pang hahalik at panghahawak sa dibdib sa Mabalacat City, Pampanga.

Sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., ni Mabalacat police chief Lt. Col, Efren David, kinilala ang suspek na si alias Xu, 56, admin supervisor sa Wei Yuan Construction Management, Inc.

Base sa statement ng biktimang si alyas Nena, field engineer sa Wei Yuan Construction, inutusan siya ng suspek na umakyat sa 7th floor ng gusali upang tingnan ang ilang construction materials.

Pagdating doon, bigla siyang sinunggaban ng suspek at sinubukang halikan sa leeg, ngunit itinulak siya palayo ng Pinay engineer.

Nang hawakan ng suspek ang dibdib ng biktima, muli itinulak ng biktima ang Chinese at tumakbo palayo para humingi ng saklolo.

Tinulungan ng security guard na si Neil Metal, nakatalaga sa Annapolis Security Agency, ang biktima at nahuli ang suspek.

Itinurn-over ang Chinese ng Clark Development Corporation sa Mabalacat City police.

Mahaharap sa kasong acts of lasciviousness ang Chinese national.