DOT

TTP ng DOT simula na sa Enero 16

336 Views

ILULUNSAD ng Department of Tourism (DOT) simula sa Jan. 16 para sa mga layover passengers na tatagal ng walong oras sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Transit Tour Program (TTP).

Isang curated four-hour guided experience ang TTP na pinakabagong pang-attract ng DoT para makaakit ng mas maraming turista.

Pwedeng i-avail ng lahat ng travelers mula sa visa-free countries o mga holders ng Philippine visas ang TTP.

Sa ilalim ng programa, pwedeng dalawin ang Intramuros at National Museum, o ang mga modern lifestyle destinations sa Pasay at Parañaque mula Biyernes hanggang Linggo sakay ng air-conditioned buses transportation kasama ang mga DOT-accredited tour guides.

Libre ang entrance fees may travel insurance at on-ground assistance sa TTP.