Ibay1 Ipinapaliwanag ni BGen. Arnold Thomas Ibay, director ng Negros Island Region police, ang matagumpay na operasyon ng mga pulis laban sa ilegal na droga at mga kriminal. Kuha ni JONJON C. REYES

Tulak na may halos P2M shabu laglag sa Bacolod

Jon-jon Reyes Oct 2, 2025
351 Views

NASABAT ng mga miyembro ng Bacolod City Police Office (BCPO) sa dalawang operasyon ang 290 na gramo ng shabu na may presyong P1.97 milyon noong Miyerkules.

Ang unang operasyon isinagawa dakong alas-5:30 ng hapon sa St. Therese St., Gonzaga Ext., Brgy. Taculing, Bacolod City.

Ang ikalawang operasyon nangyari sa checkpoint dakong alas-9:30 ng gabi sa San Juan St., Brgy. 6, Bacolod City na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Anthony, 35, at nakumpiska sa kanya ang humigit-kumulang 220 gramo ng shabu na may halagang P1,496,000.

Naharang ng mga operatiba ang isang suspek na nagmamaneho ng motor na walang helmet. Paglapit sa checkpoint, biglang nagpreno ang suspek at nagtangkang mag-U-turn para makaiwas sa inspeksyon pero naharang ng isang blocking force.

Nang ma-flagdown, dumukot ang suspek sa kanyang bulsa para ipakita ang kanyang driver’s license, kung saan nahulog sa lupa ang isang bundle ng cash at sachet ng hinihinalang shabu.

Narekober sa suspek ang shabu na nagkakahalaga ng P35,370, isang glass tube tooter; Mio motorcycle at isang grenada.

Pinuri ng PBGen. Arnold Thomas Ibay, hepe ng NIR police, ang BCPO sa aksyon nito lalo na sa mga pangunahing pampublikong kaganapan tulad ng Masskara Festival.

“Walang humpay ang PRO NIR sa paglaban sa iligal na droga. Ang mga back-to-back na operasyong ito sa panahon ng festival ay binibigyang-diin ang aming hindi natitinag na pangako na pangalagaan ang publiko,” sabi ni Ibay.