Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Calendar
Ang arestadong suspek at nakumpiskang mga shabu at pera sa kanyang possession. GIL AMAN
Metro
Tulak nakuhanan ng P1M shabu
Gil Aman
Oct 17, 2025
312
Views
CAMP BGEN PACIANO Rizal–Bumagsak ang 48-anyos na lalaki sa kamay ng mga otoridad nang mahulihan ng shabu sa buy-bust ng Provincial Drug Enforcement Unit at San Pablo City police noong Huwebes sa Brgy. Sto Nino, San Pablo City at nakuha sa kanya ang mahigit P1 milyon shabu.
Kinilala ni Laguna police director, P/Col. Jonar Yupio ang suspek na si alyas Edwin.
Nagkasa ang mga miyembro ng San Pablo police ng buy-bust operation bandang alas-4:05 ng hapon sa Brgy. Sta. Niño, San Pablo City, Laguna at naaresto ang suspek.
Nakumpiska sa suspek ang 200 gramo ng shabu na may standard price na P1.36 milyon.
Nasa kustodiya ng San Pablo police ang arestadong suspek habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento para sa mga isasampang kaso laban sa suspek.
Nanggulo nagpakilalang parak, huli ng tunay na parak
Jul 10, 2026
2 magkaibigan tiklo sa pagnanakaw
Jul 10, 2026
Parak kumilos; tiklo 2 suspek sa nakawan
Jul 10, 2026
P14M shabu nakumpiska ng BOC-NAIA agents
Jul 10, 2026
Mayor Isko nanguna sa MPD command conf
Jul 10, 2026

