Bagahe Source: File photos

Tulfo gusto ng mas matinding proteksyon sa mga pasahero

25 Views

Matapos bagahe mawala sa x-ray machine sa airport

NAIS ni Sen. Raffy Tulfo ng mas matindi at malinaw na proteksyon sa mga pasahero at bagahe ng marinig ng senador ang kwento ng bagahe ng pasahero na umano’y nawala matapos dumaan sa x-ray machine sa airport.

Lumabas sa pagdinig ang usapin ng pananagutan kapag ang bag ng pasahero ay pumasok na sa x-ray machine at nasa ilalim na ng airport screening procedures.

Hindi dapat nakatuon lamang ang airport security sa paghahanap ng baril, pampasabog, droga, kutsilyo, o iba pang bawal na gamit. Dapat din aniyang tiyakin ng mga awtoridad na protektado ang gamit ng pasahero habang ito ay nasa kontrol ng airport.

Hiniling niya ang mas malinaw na pananagutan, maayos na CCTV coverage, malinaw na chain of custody, at mabilis na proseso ng reklamo para sa mga pasaherong nawalan, nasiraan, nabuksan, o napabayaan ang gamit sa loob ng security screening area.

Tinalakay sa pagdinig ang panganib na dulot ng mga ibon, kabilang ang mga kalapati at iba pang wildlife, malapit sa runway ng airport. Kilalang panganib sa aviation ang bird strike dahil maaaring tumama ang ibon sa windshield ng eroplano, makasira ng bahagi ng aircraft, o mapasok sa makina habang takeoff o landing.

Dapat patuloy na palakasin ng airport authorities ang mga hakbang laban sa bird at wildlife hazards dahil maaaring maapektuhan ng ganitong mga insidente ang pasahero, crew, aircraft, at maging ang mga tao sa lupa.

Napunta rin ang pagdinig sa usapin ng underused airports sa bansa. Lumutang ang pangamba na may mga paliparang itinayo at pinananatili gamit ang pondo ng bayan ngunit hindi lubusang napapakinabangan ng ordinaryong pasahero, habang limitado lamang na flights o users ang nakikinabang dito.

Iginiit ni Tulfo na ang public airports ay dapat magsilbi sa publiko. Hiniling niya sa gobyerno na ipaliwanag kung may regular commercial flights ang mga paliparang ito, ilan ang pasaherong napaglilingkuran, at ano ang plano upang maging kapaki-pakinabang ang mga ito sa workers, estudyante, pasyente, turista, small business owners, at mga residente sa probinsya.

“Nitong mga nakaraang buwan, naranasan na naman ng maraming Pilipino ang sunod-sunod na oil price hikes,” sabi ni Tulfo sa kanyang opening statement.

Ang pagtaas ng presyo ng langis ay nagdudulot ng mas mahal na pamasahe, dagdag gastos sa transport sector, pagtaas ng presyo ng bilihin, at mas mabigat na pasanin sa pamilya.

Kinuwestyon din ni Tulfo kung bakit mabilis umanong nakapagtaas ng presyo ang ilang oil companies ilang araw lamang matapos ang tensyon sa Middle East, kahit ang ibinebentang langis ay maaaring mula pa sa lumang buffer stock at hindi pa bagong imported supply.

“Dahil sa Oil Deregulation Law of 1998, tila nakatali ang kamay ng gobyerno habang tuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng langis,” sabi ni Tulfo.

Ang Republic Act No. 8479, o Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998, ang batas na nag-deregulate sa downstream oil industry at sumasaklaw sa mga entity na bahagi ng domestic downstream oil industry, kabilang ang mga nag-iimport ng refined petroleum products.

Dapat repasuhin ang batas kung hindi na nito nabibigyan ang gobyerno ng sapat na kapangyarihan para protektahan ang publiko sa panahon ng krisis at tugunan ang hindi makatarungang pagtaas ng presyo.

Layunin ng panukalang Magna Carta for Commuters na palakasin ang karapatan ng mga pasahero sa ligtas, maaasahan, accessible, at abot-kayang transportasyon. Sinabi ni Tulfo na dapat saklawin nito ang commuters na gumagamit ng jeepney, bus, tren, taxi, ride-hailing vehicle, barko at eroplano.