Calendar
Tulfo naalarma na lampas P50 per kilo ang bigas
IKINABAHALA ni Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo ang taas ng presyo ng bigas sa mga palengke na umaabot sa P50 hanggang P60 kada kilo, kahit na ang landed cost nito ay P33.4/kilo lamang.
Sa pagdinig ng House quinta committee o ang Murang Pagkain Supercommittee na nabuo sa pamamagitan ng House Resolution No. 254 na akda ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, tinanong ni Tulfo si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Benvenido Rubio kung magkano ang landed cost ng imported na bigas.
“Mr. Commissioner, sir, when you say landed costs, what does it include? Is it the price that they bought it from overseas and then shipping, etc., etc., taxes? Ano ang mga kasama doon sa landed costs?” tanong ni Tulfo.
Sagot naman ni Rubio, “Mr. Chair, the landed cost composes of the cost which includes the freight, buying price of the declared value of the goods plus collected duties and taxes from those goods, your honor.”
“We had an estimate of P33.4 [per kilo],” dagdag pa ni Rubio.
Sumunod na tinanong ni Tulfo ang mga importer, partikular si Atty. Irene Chiu ng River Valley Distribution, kaugnay ng presyuhan.
“My question, Mr. Chair, for any of the importers. Importers lang po. Siguro si Ma’am Chiu, right? Do you know anything, how much from your importer, from your client, importer po siya, di po ba? Magkano po ang pasa niya sa wholesaler?” tanong ng solon.
Sagot naman ni Chiu: “The rate that we sell it to our wholesaler, I was told it was P41. Noon po, before the tariff decrease, it was P48. And now po, binaba na po nila to P41.”
“P41 ang pasa po nila?” Tulfo asked. “So kasama na po doon ‘yung profit. We’re talking about kasama na po ‘yung profit, transportation, warehousing, etc., expenses. All in na po ‘yan, P41?” tanong pa ni Tulfo.
Nilinaw naman ni Chiu na ang presyong ibinigay nito ay para sa mga wholesaler. “Wholesaler lang po. They don’t sell to retailers,” aniya.
“Mr. [Gerald] Cruz, Mr. Chair, how much naman po ‘pag nakuha po ninyo? Is it the same? You’re getting the same price pagkuha ng binibenta sa inyo at P41, imported rice ng importer? Alright, P41, right? Magkano po ang pasa na ninyo sa retailer, sa mga retailer ng bigas po at P41? Magkano po ang pinapatong ninyo?” tanong ni Tulfo kay Cruz na mula sa King B Co.
“Between P35 to P40 per kilo,” sagot ni Cruz.
Sinabi ni Tulfo na mayroong diskonek sa presyo at sa nangyayari sa merkado.
“Mr. Chair, did we invite any retailer here? We should figure out from P33 bakit wala pa akong nakikita na less than P50 per kilo na bigas? Puro P50 hanggang P60,” ani Tulfo. “Pag bumili ka nga ng P45, nag-inspeksiyon kami ni Speaker, siguro para pakitang tao, P45, pero tinanong mo, eh pwede pong dalawang kilo lang ang pwede bilhin.”
Nanawagan naman si Tulfo ng aksyon sa Bureau of Plant Industry (BPI).
“Mr. BPI, is this true what he’s saying na mas gusto nila ng mga importers? Aren’t you considering ‘yung mga kababayan natin na hindi maka-afford? Di ba ninyo sabihin lang, hoy importer, mag-import ka naman ng mumurahin?” sabi ni Tulfo.
Sinabi ni Tulfo na dapat gamitin ng BPI ang kapangyarihan nito na mag-isyu ng import permit upang masiguro na ang bibilhin ay murang bigas.
“Pangalawang hearing na ito, and yet wala kayong malinaw na ginagawa. DA (Department for Agriculture), DTI (Department of Trade and Industry) puro kayo monitoring lang. Kailan niyo balak kumilos? Ang taas ng inflation, tapos ganito pa,” wika pa nito.
Nanawagan si Tulfo ng masusing imbestigasyon sa supply chain upang malaman kung saan ang problema kaya nananatiling mataas ang presyo ng bigas.
“I move that we ask the importers and wholesalers to give us the list of their clients, the retailers, para maimbita po natin sa susunod na hearing ang mga retailers,” sabi nito.
“We need to fix this system. Ang tao ang nahihirapan. Dapat malinaw kung sino ang nakikinabang sa sistema na ito,” dagdag pa ni Tulfo.