Mag-jowa magka-wavelength, bagay na bagay
Aug 9, 2026
Slay mama 10!
Aug 9, 2026
Calendar
Source: FB
Nation
Indonesia humiling ng ‘no comment’ sa pag-uwi ni Veloso
Chona Yu
Dec 10, 2024
604
Views
AYAW munang mag-komento ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung makapag-papasko si Mary Jane Veloso kasama ang kanyang pamilya sa Pilipinas.
Sinabi ni Pangulong Marcos na mismong ang pamahalaan ng Indonesia ang humiling na iwasan muna ang anumang announcement hanggang hindi naaayos ang pagpapauwi sa bansa kay Veloso.
“We were asked by the Indonesian government not to make any announcements until everything is settled, so let’s respect that request,” sabi ni Pangulong Marcos.
Hinatulan ng parusang ng kamatayan ng pamahalaan ng Indonesia si Veloso matapos mahulihan ng iligal na droga noong 2010.
Pero kamakailan lang pumayag ang Indonesia na ilipat na sa Pilipinas ang kustodiya kay Veloso.
Exhibition ng mga Pinay nurse ginanap sa Chicago
Aug 9, 2026
Arnis competition sa mga rehiyon nais palawakin
Aug 9, 2026

