Tulfo1

Tulfo: Walang unity na i-impeach si VP Sara

Mar Rodriguez Nov 16, 2023
204 Views

WALA umanong pagkakaisa na i-impeach si Vice President Sara Duterte, ayon kay ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo.

Ayon kay Tulfo ang isinusulong ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay mapanatili ang pagkakaisa upang makamit ang layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mapabuti ang kalagayan ng bansa.

“There’s no such thing as unity against the Vice President. Unity behind Speaker Romualdez, I believe there’s unity to move this country forward,” ani Tulfo, isang Deputy Majority Leader for Communications.

“Yan din po ang hiling ni Pangulong Marcos, magsama-sama, walang maiiwan. That’s what we are still following right now and that’s the marching order from our Speaker, unite para sa taumbayan and move forward,” saad pa ni Tulfo.

Itinanggi rin ni Tulfo na mayroong mga personalidad na nasama-sama pabor kay Speaker Romualdez upang banggain si VP Duterte.

“There’s no such thing. I can tell you now, we are united. May mga statements nga si Speaker na we will just continue to do our job and ‘yun yung instruction niya before he left going to the US, to do what we have to do, continue to work and pass those laws needed by the executive department,” sabi pa ng kongresista.

Sinabi ni Tulfo na wala ring kinalaman ang Kamara sa pagpayag ng korte na makapaglagak ng piyansa si dating Sen. Leila de Lima.

“The former senator is enjoying temporary freedom after posting bail. This action is part of the judicial process. It had nothing to do with us in the House. Like I said, our main concern right now is to unite the country in order to achieve a better tomorrow,” wika pa ni Tulfo.