Fortuner Ang nakahandusay na biktimang namatay matapos maatrasan ng Toyota Fortuner sa A. Francisco St. at Pasig Line sa Sta. Ana, Manila. JONJON C. REYES

Tulog na kelot naatrasan ng Fortuner, byaheng langit

Jon-jon Reyes Jun 3, 2025
26 Views

TIGOK ang lalaking natutulog matapos masagasaan ng Toyota Fortuner na humarurot paatras sa A. Francisco St. corner Pasig Line, Sta. Ana. Manila noong Lunes.

Kinilala ang biktima na si alyas Ambet, 40 hanggang 45-anyos, at si alyas Robert, 71, ang driver ng Fortuner.

Ayon kay Police Major Jaime Gonzales Jr., officer-in-charge ng Manila District Traffic Enforcement Unit, bandang alas-7:05 ng umaga naganap ang insidente.

Base kay P/Cpl. Rustom Arcyll De Guzman, imbestigador ng kaso, nagmaniobra paatras ang driver ng Fortuner ng biglang bumilis at nasagasaan ang natutulog na biktima.

Nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide and damage to property ang driver ng Fortuner.