BBM2

Tulong sa mga magsasakang apektado ng bagyong Egay tiniyak ni PBBM

125 Views

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magbibigay ng tulong ang gobyerno sa mga magsasaka na ang mga pananim ay naapektuhan ng bagyong Egay.

“We will provide as much as we can in terms of assistance, in terms of seedlings – binhi,” ani Pangulong Marcos na nagtungo sa Cagayan Valley, isa sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

Ayon sa Pangulo pinag-aaralan ang variety ng binhi na ibibigay sa mga magsasaka upang matiyak na angkop ito sa panahon ng tag-ulan.

Batay sa inisyal na ulat, nasa P1.243 bilyon ang halaga ng pinsala ng bagyo sa sektor ng agrikultura. Inaasahan naman na tataas pa ang halagang ito kapag nakapagpadala na ng ulat ang mga lokal na pamahalaan.