Calendar
Tunaw na bakal kumitil ng buhay sa Calaca
TIGOK ang crane technician dahil sa matinding pagkapaso nang mahulog at matapunan ng tunaw na bakal sa Brgy. Salong, Calaca City, Batangas.
Naganap ang trahedya sa loob ng Steel Asia Manufacturing Inc., ayon sa Calaca City police.
Ang insidente, na naganap dakong alas-5:40 ng hapon, ay naiulat sa mga awtoridad bandang alas-7 ng gabi.
Base sa imbestigasyon, abala ang biktima sa pag-aayos ng mechanical failure sa ladle crane na kanyang pinatatakbo pero nahulog ang isang ladle na naglalaman ng mainit na tunaw na bakal kasama ang biktima.
Tumapon sa katawan niya ang tunaw na bakal at nagdulot ng malubha at matinding pagkapaso at agaran niyang ikinasawi.
Nakiramay ang Steel Asia at nangako na aakuin ang lahat ng gastusin pati na ang pagbibigay ng kaukulang mga benepisyo at tulong pinansyal.

