BBM

Turismo gagamitin sa pagpapalakas ng Filipino brand

283 Views

ITINULAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gamitin ang turismo upang mapalakas ang Filipino brand.

Sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Marcos na tututukan ng kanyang administrasyon ang pagtatayo ng mga imprasktraktura sa sektor ng turismo gaya ng mga kalsada at paliparan.

“They say, each brand has a story. As for the Filipino brand, ours is deeply rooted in our rich cultural heritage and the tourism sector plays an invaluable role in the promotion of the Filipino brand,” sabi ni Marcos.

Dapat umanong maging madali ang pagpunta sa iba’t ibang bahagi ng bansa para mas maraming turista ang bumisita.

“We will also make it more convenient for travelers to go around the country, even to remote areas to help promote undiscovered tourist spots,” sabi ng Pangulo.

Ipinanukala rin ni Marcos ang paglikha ng institusyon na siyang kakatawan sa creative industry.

“The creativity of the Filipino is truly world-class. We excel in arts and culture, new media, live events — avenues which generate primary and downstream jobs for our creative and talented countrymen. Unfortunately, ang mga hanapbuhay na ito ang unang pinadapa ng pandemya at pinakahuli namang maibabalik sa normal,” dagdag pa ng Pangulo.

Iginiit rin ni Marcos ang pangangailangan na proteksyunan ang creative industry na siyang “nagbibigay ng kaluluwa at pagkakilanlan sa ating pagka-Pilipino. Protektahan natin sila.”