Frasco1 Ibinahagi ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco ang ilang mga pananaw na nagbigay-diin sa pagkakaugnay ng turismo sa iba pang sektor ng lipunan.

Turismo iniuugnay ng DOT sa ibang sektor ng lipunan

Jon-jon Reyes Aug 24, 2024
68 Views

IBINAHAGI ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco noong Miyerkules ang ilang mga pananaw na nagbigay-diin sa pagkakaugnay ng turismo sa iba pang sektor ng lipunan sa ginanap na Metro Manila Business Conference 2024 sa Manila Hotel.

“𝘜𝘯𝘥𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘦 𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵𝘳𝘺’𝘴 𝘵𝘰𝘶𝘳𝘪𝘴𝘮 𝘣𝘭𝘶𝘦𝘱𝘳𝘪𝘯𝘵 𝘢𝘯𝘥 𝘧𝘳𝘢𝘮𝘦𝘸𝘰𝘳𝘬 𝘧𝘰𝘳 𝘥𝘦𝘷𝘦𝘭𝘰𝘱𝘮𝘦𝘯𝘵, 𝘸𝘦 𝘧𝘰𝘤𝘶𝘴 𝘯𝘰𝘵 𝘰𝘯𝘭𝘺 𝘰𝘯 𝘱𝘳𝘰𝘮𝘰𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘩𝘦 𝘯𝘢𝘵𝘶𝘳𝘢𝘭 𝘳𝘦𝘴𝘰𝘶𝘳𝘤𝘦𝘴 𝘰𝘧 𝘰𝘶𝘳 𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵𝘳𝘺, 𝘣𝘶𝘵 𝘳𝘢𝘵𝘩𝘦𝘳 𝘰𝘯 𝘥𝘦𝘷𝘦𝘭𝘰𝘱𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘩𝘦 𝘣𝘢𝘴𝘪𝘤 𝘱𝘪𝘭𝘭𝘢𝘳𝘴 𝘰𝘧 𝘵𝘰𝘶𝘳𝘪𝘴𝘮 𝘪𝘯 𝘰𝘳𝘥𝘦𝘳 𝘵𝘰 𝘦𝘭𝘦𝘷𝘢𝘵𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘨𝘭𝘰𝘣𝘢𝘭 𝘤𝘰𝘮𝘱𝘦𝘵𝘪𝘵𝘪𝘷𝘦𝘯𝘦𝘴𝘴 𝘰𝘧 𝘰𝘶𝘳 𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵𝘳𝘺,” ayon sa opisyal.

Binanggit niya ang kauna-unahang Hop-On-Hop-Off tours bilang patunay ng konsepto at ibinahagi ng secretary kung paano ginagamit ng DOT ang teknolohiya para mapahusay ang pangkalahatang karanasan ng turista sa Metro Manila.

Habang patuloy na bumabangon at lumalago ang sektor ng turismo, binigyang diin ni Frasco ang pangako ng DOT sa pamamagitan ng roadmap ng turismo ng bansa.

“𝘞𝘦 𝘩𝘢𝘷𝘦 𝘭𝘢𝘶𝘯𝘤𝘩𝘦𝘥 𝘵𝘩𝘦 𝘛𝘰𝘶𝘳𝘪𝘴𝘮 𝘊𝘩𝘢𝘮𝘱𝘪𝘰𝘯𝘴 𝘊𝘩𝘢𝘭𝘭𝘦𝘯𝘨𝘦. 𝘛𝘩𝘪𝘴 𝘪𝘯𝘪𝘵𝘪𝘢𝘵𝘪𝘷𝘦 𝘪𝘯𝘷𝘪𝘵𝘦𝘥 𝘭𝘰𝘤𝘢𝘭 𝘨𝘰𝘷𝘦𝘳𝘯𝘮𝘦𝘯𝘵 𝘶𝘯𝘪𝘵𝘴 𝘧𝘳𝘰𝘮 𝘢𝘭𝘭 𝘰𝘷𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘦 𝘤𝘰𝘶𝘯𝘵𝘳𝘺 𝘵𝘰 𝘱𝘳𝘰𝘱𝘰𝘴𝘦 𝘵𝘰𝘶𝘳𝘪𝘴𝘮 𝘪𝘯𝘧𝘳𝘢𝘴𝘵𝘳𝘶𝘤𝘵𝘶𝘳𝘦 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘣𝘦𝘯𝘦𝘧𝘪𝘵 𝘵𝘩𝘦𝘪𝘳 𝘤𝘰𝘮𝘮𝘶𝘯𝘪𝘵𝘪𝘦𝘴 𝘶𝘯𝘥𝘦𝘳 𝘵𝘩𝘦 𝘢𝘶𝘴𝘱𝘪𝘤𝘦𝘴 𝘰𝘧 𝘪𝘯𝘤𝘭𝘶𝘴𝘪𝘷𝘪𝘵𝘺, 𝘴𝘶𝘴𝘵𝘢𝘪𝘯𝘢𝘣𝘪𝘭𝘪𝘵𝘺 𝘢𝘯𝘥 𝘳𝘦𝘴𝘪𝘭𝘪𝘦𝘯𝘤𝘦.

𝘈𝘧𝘵𝘦𝘳 𝘩𝘢𝘷𝘪𝘯𝘨 𝘳𝘦𝘤𝘦𝘪𝘷𝘦𝘥 𝘢𝘳𝘰𝘶𝘯𝘥 98 𝘱𝘳𝘰𝘱𝘰𝘴𝘢𝘭𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵 𝘸𝘦𝘯𝘵 𝘵𝘩𝘳𝘰𝘶𝘨𝘩 𝘵𝘩𝘦 𝘳𝘪𝘨𝘰𝘳𝘴 𝘰𝘧 𝘦𝘹𝘱𝘦𝘳𝘵 𝘢𝘥𝘷𝘪𝘤𝘦 𝘧𝘳𝘰𝘮 𝘷𝘢𝘳𝘪𝘰𝘶𝘴 𝘴𝘦𝘤𝘵𝘰𝘳𝘴, 𝘪𝘯𝘤𝘭𝘶𝘥𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘩𝘦 𝘗𝘊𝘊𝘐, 𝘰𝘶𝘳 𝘗𝘳𝘦𝘴𝘪𝘥𝘦𝘯𝘵 𝘢𝘸𝘢𝘳𝘥𝘦𝘥 P255 𝘮𝘪𝘭𝘭𝘪𝘰𝘯 𝘪𝘯 𝘧𝘪𝘯𝘢𝘯𝘤𝘪𝘢𝘭 𝘨𝘳𝘢𝘯𝘵𝘴 𝘵𝘰 𝘵𝘩𝘦 𝘴𝘩𝘰𝘳𝘵𝘭𝘪𝘴𝘵𝘦𝘥 15 𝘓𝘎𝘜𝘴 𝘧𝘳𝘰𝘮 𝘓𝘶𝘻𝘰𝘯 𝘝𝘪𝘴𝘢𝘺𝘢𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘔𝘪𝘯𝘥𝘢𝘯𝘢𝘰,” ayon sa kanya.

ibinahagi niya na 22 pang Tourist Rest Areas (TRAs) ang malapit nang magawa sa Batanes, hanggang sa timog ng Sulu at Tawi-Tawi, East sa Eastern Samar at sa Brooke’s Point, Palawan.

May mga Tourist First Aid Facilities na ginagawa sa pakikipagtulungan ng DOT sa Tourism Infrastructure Enterprise Zone Authority at Department of Health.

Inorganisa din ng Philippine Chamber of Commerce and Industry-National Capital Region (PCCI-NCR) ang kumperensya na magsisilbing plataporma sa pagtalakay sa integrasyon ng kalakalan, teknolohiya at turismo bilang pangunahing mga driver ng sustainable economic transformation sa Metro Manila.