Turismo kumita ng P149 bilyon

226 Views

KUMITA ang tourism sector ng P149 bilyon o $2.6 bilyon sa ilalim ng Marcos administration, ayon sa year-end report ng Department of Tourism (DOT).

Ayon sa DOT nakapagtala ng 2.4 milyong international arrival sa bansa hanggang noong Nobyembre. Ito ay 75 porsyento ng 1.7 milyong international visitor arrival target ng ahensya ngayong taon.

Para sa susunod na taon, target ng DOT na mapataas sa 2.6 milyon hanggang 6.4 milyon ang international tourist arrival sa bansa.

Maglulungsad umano ng iba’t ibang programa ang DOT para maabot ang target na ito.