Dy

Turismo ng PH unti-unti ng nakakabawi matapos ang 2 taong pandemya

Mar Rodriguez Sep 26, 2022
340 Views

PAGKATAPOS ng dalawang taong “health crisis” dulot ng COVID-19 pandemic. Inihayag ng isang Northern Luzon congressman na unti-unti nang nakakabangon ngayon ang turismo ng Pilipinas na isa sa mga malubhang naapektuhan ng pandemiya.

Sa pagpapatuloy ng Budget Deliberations sa Kongreso, sinabi ni Isabela 6th Dist. Cong. Faustino “Inno” A. Dy V, tumayong sponsor para sa 2023 proposed budget ng Department of Tourism (DOT), na ang turismong bansa ang isa sa mga sektor na lubhang tinamaan at napilayan matapos magkaroon ng “lock-down” dahil sa pandemiya.

Nabatid kay Dy na bago pa man makapasok sa Pilipinas ang COVId-19 virus mula China, nakapag-ambag pa ang Philippine Tourism ng tinatayang 12.7 mula sa Gross Domestic Product (GDP). Kung saan, nang pumutok na ang pandemiya ay nagsimula ng maghingalo ang turismo ng bansa dahil sa mga ipinatupad na “restrictions”.

Sa kaniyang “sponsorship speech” para sa proposed P3.6 bilyong budget ng DOT, inihayag ng kongresista na nito lamang September 16, 2022. Nakapagtala na ang Pilipinas ng tinatayang 1.5 milyong turismo na nagtungo sa bansa at inaasahang madadagdagan pa ito ng 1.7 milyon sa pagtatapos ng kasalukuyang taon.

Ipinaliwanag ni Dy na ang unti-unti ng pagdagsa ng mga turista sa Pilipinas matapos ang dalawang taon pandemiya ay bunsod na rin ng pagbubukas o pagluluwag ng mga “boarders” ng mga tourist destinations sa bansa na inaasahang magtutuloy-tuloy na hanggang sa makabangon ang dating naghihikahos na sektor ng turismo.

“As we continue to open our boarders from tourism, it is highly necessary to protect the beauty and bounty of our tourist destinations, provide an impressive overall tourism experience and ensure the health and safety of our tourists, tourism workers and the entire Filipino people,” sabi ni Dy.