Atty. Tansinco

Atty. Tansinco itinalagang commissioner ng BI

Anchit Masangcay Sep 13, 2022
37 Views

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Atty. Norman Garcera Tansinco bilang Commissioner ng Bureau of Immigration (BI).

Kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang appointment ni Tansinco.

Pinirmahan ni Marcos ang appointment papers ni Tansinco noong Setyembre 12.

Papalitan nito si Rogelio Gevero, Jr. na itinalaga ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla bilang officer in charge noong nakaraang buwan. Ang BI ay nasa ilalim ng DOJ.

Si Tansinco ay nagsilbi bilang chief of staff ni dating BI Commissioner Marcelino Libanan.

Si Libanan ngayon ay kinatawan ng 4Ps party-list at lider ng House Minority bloc.