PAL

Loyalty program ng Philippine Airlines na-hack

32 Views

IPINAGBIGAY ALAM ng Philippine Airlines (PAL) sa publiko na na-hack ang kanilang Mabuhay Miles loyalty program.

Ayon sa notice na ipinadala ng PAL sa mga miyembro ng kanilang loyalty program, nagkaroon umano ng cybersecurity incident sa Accelya, ang kanilang third party IT service provider.

Apektado umano ang mga personal na impormasyon ng kanilang mga miyembro gaya ng pangalan, araw ng kapanganakan, nationality, kasarian, petsa kung kailan sumali, at kung nakaka-ilang points na ang mga ito.

Sinabi ng PAL na hindi nakuha ang password, flight itinerary, passport number, ticket number, contact details, o credit card information ng kanilang mga miyembro.

Ipinarating na umano ng PAL ang pangyayari sa National Privacy Commission noong Setyembre 8, 2022.