Calendar
Turista binabalik-balikan ang Pinoy hospitality — Madrona
NANINIWALA ang House Committee on Tourism na ang tinatawag na “Filipino hospitality” o ang mainit na pagtanggap ng mga Pinoy sa mga bumisitang dayuhan ang tunay na umaakit at nakaka-engganyo sa mga “foreign tourists” na magtungo sa Pilipinas.
Sinabi ni Romblon Lone Dist. Cong. Eleandro Jesus F. Madrona, Chairman House Committee on Tourism, na ang natatanging character ng mga Pilipino kaugnay sa pagtanggap ng mga bisita dayuhan man o lokal ang maituturing na “trademark” ng Pilipinas.
Dahil dito, binigyang diin ni Madrona na kaya hindi nakakapagtaka kung bakit laban pasok ng bansa at kalimitan ay nawiwiling magpunta sa Pilipinas ang iba’t-ibang dayuhan dahil s maninit na pagsalubong “hospitality” ng mga Pinoy.
Ang naging pahayag ni Madrona ay ibinida rin ni Department of Tourism (DOT) Sec. Maria Christina Frasco sa ginanap na 22nd World Travel and Tourism Council (WTTC) Global Summit sa Saudi Arabia.
Kung saan, sinabi ni Frasco sa nasabing okasyon na ang pagiging “hospitable” ng mga Pilipino ang lalo pang umaakit sa napakaraming dayuhang turista na magpunta sa Pilipinas.
“Wherever you may find yourself in the world, whether it’s a hotel, a restaurant, a hospital, a home, and in many other industries, you will find a Filipino, with a warm smile and the distinct hospitality of the Filipino that is ready and willing to go the extra mile to make our guests feel happy, at home and well-served. And therefore we recognize the strength of the Filipino Brand of Service Excellence as one of the core pillars of the tourism industry in the Philippines,” ayon kay Secretary Frasco.
Ipinahayag din ni Madrona na ang Philippine tourism ang isa sa matatawag na “backbone” o gulugod ng ekonomiya ng bansa. Kaya napakahalaga na mapanatili ng mga Pilipino ang pagiging “hospitable” sa mga dayuhang nagpupunta at bumibisita sa bansa.
Idinagdag pa ni Madrona na walang maaaring makadaig sa pagiging hospitable ng mga Pinoy. Sapagkat maituturing ito bilang “brand of service” o dekalidad na serbisyo na taglay ng mga Pilipino kung kaya’t maraming foreign tourist ang naaakit na magpunta sa Pilipinas.