PABA

UAAP champ La Salle tiklop sa KBA

Ed Andaya Jun 28, 2023
262 Views

GINULAT ng Katayama Baseball Academy (KBA) ang UAAP champion De La Salle, 4-3, sa opening game ng 1 United Philippines Baseball Tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium over the weekend.

Sumandal si coach Keiji Katayama sa kantang tatlong pitchers laban sa Green Archers, na kung saan namayani si starter Raymond Nerosa sa mound sa limang innings, nag pitch si Diego Lozano sa sumunod na dalawang innings at pinigil ni Alvin Herrera ang mga kalabang sluggers sa final frame.

Ito ang unang panalo ng KBA sa kumpetisyon na itinaguyod ng Philippine Amateur Baseball Association (PABA) matapos ang pandemic.

“National team players (Mark) Beronilla had 3 hits and(Ignacio) Escano did a good job offensively. We had a good start in this tournament,” pahayag ni Japanese baseball expert at sports patron na si Keiji Katayama.

Ang KBA Stars team ay binubuo nina Kyle Villafania, Jr., I )gnacio Escano,Mark Beronilla,Clairon Santos,Boo Barandiaran, Danric Catativo,Carl at Luis Miñana,Dino Almonte, Wnton Rosas, Marion Gonzales, Allan Jay Dimal,Javi Macasaet,Gerard Riparip, Sean Jeremy Salaysay,Gino Tantuico, lwen Nicole,Jason Salamida, Marco Mallari ,actor/ sportsman Gary Ejercito, Nerosa, Herrera and Lozano.

Dumalo si PABA secretary- general Jose ‘Pepe’ Munoz sa opening ceremony.

Ang mga kalahok ay nahahati sa dalawang grupo.

Kasama ng KBA Stars at DLSU sa group A National Uni versity, University of Santo Tomas, Thunderz at Philippine Air Force.

Nasa group B naman ang ADU, IPPC, ADMU, Tanauan,UP-A and UP-B. DS