RPPO

Ugnayan ng prosecutor, law enforcers pinagtibay sa Antipolo seminar

52 Views

ANTIPOLO CITY, Rizal–Inilunsad ng Department of Justice (DOJ) at Antipolo City Prosecutor’s Office ang dalawang araw na Enhancing Capabilities on Case Build up in Criminal Justice System na dinaluhan ni Police Colonel Felipe Maraggun, Rizal Police Director, noong October 3 sa Ynares Hall ng Rizal Provincial Capitol sa Antipolo City.

Layunin ng enhancing capabilities na pagtibayin ang ugnayan sa pagitan ng mga prosecutor at law enforcers.

Dinaluhan ng ibat-ibang miyembro ng law enforcement agencies ang event kabilang ang chief of police ng Antipolo City Police na si Police Lieutenant Colonel Ryan Manongdo, Rizal PNP investigators, PDEA investigation officers, at prosecutors.

Layunin din ng seminar na pahusayin ang mga kasanayan ng mga tagapagpatupad ng batas sa pagbuo ng matatag na mga kaso at ebidensya sa korte.

Itinatampok nito ang kahalagahan ng detalyadong paghahanda ng kaso at epektibong pakikipagtulungan sa pagitan ng tagapagpatupad ng batas at mga tagausig.