Degamo

ULAP kinondena pagpatay kay Gov Degamo

181 Views

KINONDENA ng Union of Local Authorities of the Philippines (ULAP) ang pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

“These brutalities and senseless attacks mark a worrying escalation of violence that no cause can ever justify. The deplorable and cowardly acts targeting local officials is an affront to our democracy and rule of law and must stop immediately,” sabi ng pahayag ng ULAP.

Nanawagan din ang ULAP sa otoridad na agad na tukuyin, hulihin, at papanagutin ang mga nasa likod ng pamamaril.

Si Degamo ay pinagbabaril habang nakikipag-usap sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa tapat ng kanyang bahay sa Barangay Isidro, bayan ng Pamplona.

Nangako ang ULAP na makikipagtulungan sa Department of Interior and Local Government at Philippine National Police para sa agarang paglutas ng kaso.

Nagpahayag din ng kalungkutan si ULAP president at Quirino governor Dax Cua sa pagpanaw ni Degamo.

“I have worked closely with Gov. Roel, and I have witnessed firsthand his efforts to serve not only his province, but the whole country,” sabi ni Cua. “Nakakapanghinayang dahil marami pa sana kaming magagawa para sa bayan. Hindi lang Negros Oriental ang nagluluksa sa kanyang pagpanaw.”