Calendar
![Miss](https://peoplestaliba.com/wp-content/uploads/2025/02/Miss.jpg)
Unang Miss World Quezon City inilunsad, sampung kandidata pinakilala
BILANG paghahanda ng organizers, ipinakilala sa press ang sampu sa labing-anim na kandidata ng Miss World Quezon City sa Grand Westside Hotel sa Parañaque City kamakailan para sa kanilang unang pageant..
Rumampa ang sampung kandidata sa kanilang national costume na gawa sa recycled materials.
Ang sampung mga kandidata na nakarating sa naturang paglulunsad ng unang MIss World Quezon City ay kinabibilangan nina Primrose Ivy Suarez (Brgy. Litex, Commonwealth), Cherline Dalangin (Brgy. Bagbag), Jasmin Lee (Brgy. Payatas B), Ericka Saldivar (Brgy. Central), Anabela Solasco (Brgy. Lupang Pangako, Payatas), Ashley Nicole Fernandez (Brgy. Empire Payatas), Shane Denise Ganate (Brgy. Sto. Cristo), Angelika Triumfante (Brgy. Novaliches), Asia Rose Simpson (Brgy. Socorro), at Jalila Maranan (Brgy. Matandang Balara).
Ang punong organizer ng naturang beauty pageant ay si Jeannie Jarina na dating beauty queen. Siya ay itinanghal na Mrs. Universe Philippines West Pacific 2022.
Ano ba ang hinahanap nila sa kanilang mga kandidata?, “Of course, someone who has a unique character, must be intelligent, beautiful, and of course, has a great body and a great attitude.”
Nasa line up na ba nila ang kanilang hinahanap? “Very stiff ang competition because they are all beautiful, intelligent, and has a great body.
“They are very fit, and then, sa emotional quotient, they are very ready.
“Panlaban namin sila, pang-national, pang-international, kaya. In fact, ang isa sa kanila has been joining beauty contests in the US.”
Gusto nilang maging mas creative ang patimpalak kaya ang mga ginamit nila sa costumes ay mga recycled material. “Pwede mong sabihin trash. And then, make it a beautiful gown.”
Ang tatanghaling Miss World Quezon City 2025 ay tatanggap ng P100,000 cash for the main title, P50,000 for the first-runner up, at P25,000 para sa susunod na runners up or princesses.
Ang grand finals ng Miss World Quezon City ay gaganapin sa April 5, 2025 sa Novotel, Quezon City.
May suporta ba ito ng Quezon City government?
“Sa ngayon, naghihintay pa kami pero nagpadala na kami ng request for support,” ani Jeanie.
Marami sa mga kandidata ang nagpahayag ng pagnanais na pumasok sa showbiz, either bilang TV host, o maging actress. Abangan.