BBM-Sara

UniTeam pararamihin dekalidad na trabaho para sa mga Pinoy

250 Views

SINABI nila UniTeam presidential bet Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at kanyang running-mate na si Inday Sara Duterte na isusulong nila ang mga reporma sa paggawa upang matugunan ang hindi pagkakatugma ng edukasyon at trabaho kapag nanalo sila sa darating na 2022 national elections.

Problema maging sa mga mauunlad na bansa, ang education-job mismatch ay nangyayari kapag ang antas ng edukasyon ng isang indibidwal ay iba sa antas ng edukasyon na angkop para sa napupusuang trabaho.

Ito ay madalas na nagreresulta sa pagkadismaya ng isang manggagawa at kadalasang humahantong sa pag-alis sa kanyang trabaho o hindi pagtanggap sa kanyang inaaplayan.

Kapansin-pansin na nagiging pangkaraniwan na lamang makita ang mga college graduates na mapunta sa mga trabahong mababa ang suweldo at malayo sa kursong kanilang tinapos.

Sa isang pag-aaral na inilathala ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), nakita kung gaano kalala ang education-job mismatches sa bansa dahil 39% ng mga Pinoy na may trabaho ay “overeducated” habang ang iba naman ay “undereducated.”

Sinabi nina Marcos at Inday Sara na kinikilala nila ang kagyat na pangangailangan upang matugunan ang problema dahil nadedehado ang mga manggagawang Pinoy at nakakaapekto ito sa pagiging competitive ng bansa.

“The issue of education-job mismatches in our labor markets is a real cause for concern since workers continue to suffer a wage penalty. It is unfair because we see in the PIDS study that ‘overeducated’ workers only earn 5% more for the extra years of schooling. These are serious inefficiencies that need to be addressed,” ayon sa UniTeam.

Ang ulat ng PIDS ay gumamit ng data mula 2006 at 2012 at pinaliwanag na ang mga dagdag na taon ng pag-aaral ay nagbigay lamang ng 5% na kita kumpara sa 7%-19% para sa bawat kinakailangang taon ng edukasyon.

“Creating job opportunities has always been top of mind for the UniTeam, especially now that we are emerging from a pandemic. We plan to step up the number of government-funded job fairs to bridge the gap between job seekers and employers. We will ensure that quality jobs await those who will attend these events,” dagdag pa ng UniTeam.

Ayon rin sa Labor Force Survey na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) kamakailan, bahagyang bumuti ang unemployment rate sa 7.8% kumpara sa 10.4% noong 2020 ngunit hindi pa rin ganap na nakakabangon sa mga antas bago dumating ang Covid19.

Katumbas ito ng 3.7 milyong Pinoy na walang trabaho at mas mababa pa rin sa 4.5 milyon na naitala noong 2020.

“We also need to institute a system that will allow us to accurately determine current and future skill demand and supply. This highlights the importance of working closely with the stakeholders in this sector to come up with initiatives that would allow for better matching,” wika pa ng UniTeam.

Bagaman nakita sa data ng PSA na bahagyang bumuti ang underemployment rate sa 15.9% noong 2021 mula sa 16.4% noong 2020, mas mataas pa rin ito kaysa sa 13.8% na nairehistro noong 2019.

Nangangahulugan lamang na humigit-kumulang 7 milyong may trabahong Pinoy sa 2021 ang naghahanap pa rin ng trabaho o mas mahabang oras ng pagtatrabaho.

Nanawagan rin ang UniTeam bets para sa pagsusuri ng mga kasalukuyang programa sa paggabay sa karera at ibatay sa agham at datos ang diskarte sa paghahanap ng solusyon.

“We also need to review our career-guidance programs for our students to check what areas need to be reinforced or adjusted to address these mismatches. In our view, research will also play a vital role in this endeavor, and we need to have a science-based and data-driven approach to solve this problem,” saad ng UniTeam