Calendar
UP grad nanguna a Electronic Engineer Licensure exam
ISANG nagtapos sa University of the Philippines-Diliman ang nanguna sa Electronics Engineer Licensure Examination.
Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) 785 sa 2,644 na kumuha ng pagsusulit noong Oktobre 10 ang pumasa.
Si Harold Andre Teodoro Puig ay nakakuha ng 91.10 porsyento.
Pumangalawa naman sina John Albert Capule Bertuldo ng Bulacan State University-Malolos at Mark Andrew Victor Montero Lim ng Mapua University-Manila na kapwa nakakuha ng 88.5 porsyento.
Sumunod naman sina Christopher Jeff Peret Sanchez ng UP-Diliman (88.40%), Cris Ramil Dequigan Calzita ng Eastern Visayas State University-Tacloban (88.20%), at Adrian Racela Umadhay ng UP-Diliman (88.00%).
Pang-anim naman si Martin Benjamin Lopez Bonleon ng Ateneo de Davao University (87.30%), na sinundan nina Michael Anthony Yau Luberia ng Mapua University-Manila (87.20%), at Alyanna Mari Beran Ochoa ng University of Saint Louis-Tuguegarao (87.10%).
Sumunod naman sina Jan Efraim Castulo Rulloda ng New Era University (86.90%), at Rudwin Paul Barreto Abastillas ng Ateneo de Manila University (86.80%).