Just In

Calendar

November 2024
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
252627282930  
Magsino

UPHSD at OFW Party List, lumagda sa MOU para sa scholarahip ng OFWs

Mar Rodriguez Oct 30, 2024
17 Views

Magsino1Magsino2PORMAL ng sinelyuhan ang binalangkas na kasunduan sa pagitan ng OFW Party List Group sa Kamara de Representantes at University of Perpetual Health System DALTA – Las Piñas (UPHSD) matapos lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) ang magkabilang panig upang mabigyan ng scholarship ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) kasama na ang sinomang miyembro ng kanilang pamilya na nagnanais makapag-aral.

Ayon kay OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino, nilagdaan nito ang naturang kasunduan kasama si Dr. Eduardo C. Zialcita, ang Dean ng Graduate School, para sa panig ng UPHSD upang selyuhan ang binalangkas na partnership.

Layon ng MOU na mabigyan ng pagkakataon ang mga kuwalipikadong OFWs at kanilang pamilya na muling makapag-aral sa pamamagitan ng graduate programs sa larangan ng edukasyon, business, nursing at public administration sa UPHSD.

“We are grateful to UPHSD for opening opportunity to our OFWs and their families to take up further studies. Mayroon tayong mga OFWs at kanilang kapamilya na nais itaas pa ang kaalaman at makakuha ng Master Degree subalit mabigat ito sa bulsa,” wika ni Magsino.

Ipinaliwanag pa ni Magsino na dahil mabigat aniya sa bulsa ng mga OFWs ang pag-aaral, nakapaloob sa nilagdaan nilang MOU ang pagbibigay ng 50% scholarship para sa mga OFWs na isang napakalaking tulong para sa kanila.

“This collaboration embodies the OFW Party List advocasy for expanded education and empowerment for OFWs and their families. Our support is a testament to our commitment to providing affordable education and brighter future for Filipino communities at home and abroad,” dagdag pa ni Magsino.