sugar ray Balik saya ang URCC 78: Unbreakable

URCC 78: Unbreakable tagumpay

Ed Andaya Mar 26, 2022
575 Views

MATAGUMPAY ang naging pagbabalik ng mixed martial arts sa bansa matapos ang halos tatlong taong pamamahinga dahil sa pandemic.

Namayagpag si Sugar Ray Estroso sa kanilang sagupaan ni Gester Maglaque sa tampok na laban sa URCC 78: Unbreakable” sa Olongapo City kamakailan

Tinalo ni Estroso si Maglaque sa naging scorecards ng mga judges.

Sa iba pang mga laban:

— Tinalo ni Gab Masancay sa TKO sa first round ang kalabang si Ivan Victorio;

— Binigo ni Jayvee Baldanasa ang katunggaling si Jervie Tiongco sa tap-out na armbar submission;

— Naungusan ni Mharjohn Manahan si Joseph Mercado sa sang split decision na panalo; at

— Pinatumba ni.Sherwin Nero si John Tirona sa enkuwentrong hindi umabot sa tatlong minuto

“We are glad that MMA is finally back to bring entertainment to sports fans and livelihood to our professional athletes, coaches, and sports officials,” pahayag ni Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham “Baham” Mitra.

Inaasahan ni Mitra na ang tagumpsy na ito ng “URCC ’78 Unbreakable” ay magbibigay daan sa mas madami pang MMA events sa buong bansa.

“We’re hoping to see more exciting promotions in the immediate future to provide needed exposure for Filipino professional MMA fighters that would result in the development of their fighting skills and confidence to be competitive even against foreign competition,” dagdag pa ni Mitra.

Ang naturang URCC 78: Unbreakable ay itinaguyod ni Alvin Aguilar.